Filipino (Panitikan & Katutubo)

Cards (27)

  • Wika
    Masitemang balangkas ng tunog, na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitaryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura
  • Panitikan
    Salamin ng ating lahi, nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao
  • Dalawang uri ng panitikan
    • Patula o panulaan
    • Tuluyan o prosa
  • Patula o panulaan
    • Nabuong pangungusap ay sa pamamagitan ng salitang binibilang ang pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma
    • May pormat o estruktura
  • Tuluyan o prosa
    • Maluwang ang pagsama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap
    • Karaniwang nasusulat ito tuluyang daloy ng pagpapahayag
    • Hindi gumagamit ng sukat at tugma
  • Ang mga Katutubo ay tumutukoy sa mga pangkat etniko o pambansang minorya na ang kanilang mga ninuno ay orihinal na naninirahan sa isang partikular na lugar bago pa dumating ang mga pangkat mula sa ibang lugar
  • Ang katutubo ay may mga katangiang kultural, pang-ekonomiya, at pangkabuhayan na natatangi sa kanilang komunidad
  • Mga katutubong pangkat etniko sa Pilipinas
    • Aeta
    • Igorot
    • Mangyan
    • T'boli
  • Mahahalaga ang konsepto ng katutubo sa konteksto ng pangangalaga at pagpapahalaga sa kanilang mga tradisyon, kultura, at karapatan bilang mga orihinal na tagapagtanggol ng kanilang lupain at mga likas na yaman
  • Ang pagkilala at pagrespeto sa mga katutubo ay isang mahalagang bahagi ng pagpapalaganap ng katarungan, kapayapaan, at pag-unlad sa isang bansa
  • Halimbawa ng mga Katutubo
    • Negrito
    • Ifugao
    • Maranao
    • Suludnon ng Panay-Bukidnon
  • Ang mga Negrito ay isang pangkat etniko sa Pilipinas na may matagal nang kasaysayan sa arkipelago bago pa dumating ang mga pangkat etniko mula sa iba't ibang bahagi ng Asia
  • Ang mga Ifugao ay kilala sa kanilang advanced na sistema ng pagtatanim sa mga tinatawag na "rice terraces" o hagdang-hagdang palayan
  • Ang mga Maranao ay isang etnikong grupo sa Pilipinas na naninirahan sa mga lalawigan ng Lanao del Norte at Lanao del Sur sa Mindanao
  • Ang mga Suludnon ng Panay-Bukidnon ay kilala sa kanilang tradisyonal na pamumuhay sa bundok, pangangaso, pagsasaka, at paggawa ng mga katutubong kasangkapan at kagamitan
  • Bago pa man ang pananakop ng mga Kastila noong ika-16 na siglo, may mayamang kaban ng panitikan na ang ating mga ninuno
  • Mga uri ng panitikan ng ating mga ninuno
    • Mga bugtong
    • Sawikain
    • Kuwentong-bayan
    • Alamat
    • Epiko
    • Kasabihan
    • Palaisipan
  • Ang panitikang Pilipino ay katulad din ng panitikan ng ibang bansa na pasalindila (oral) at pasalinsulat (written)
  • Ayon sa kasaysayan, ipinasunog ng mga Kastila ang sinaunang panitikan sa paniniwalang galing ito sa diyablo
  • Ngunit di nalipol ang lahat na panitikan dahil ito ay nagpasalin-salin na sa bibig ng mga tao
  • Batay sa “Waves Migration Theory” ni Henry Otley Bayer, ang kauna-unahang naninirahan sa Pilipinas ay ang mga Ita o Negrito
  • May mga bulong, awitin at kasabihan na ginagamit noon ang mga Ita o Negrito
  • Ang mga Indones o Indonesyo na nagmula sa Timog-silangang Asya ay nakarating din ng bansa
  • Ang mga Ifugao at mga Kalinga sa Mountain Province ay mula sa unang Indones sa bansa
  • Ang mga Malay o Malayo naman ay nagdala ng pananampalatayang pagano at awiting panrelihiyon
  • Sa kabuoan, ang katutubong panitikan ay tagapagbatid ng kultura sa bawat rehiyon ng bansa
  • Sa mga tulang Pilipino, makikita ang pagiging orihinal at malikhain