Kasaysayan ng Wikang Filipino

Cards (26)

  • Español
    ang wikang opisyal at wikang panturo noong sila ang sumakop sa ating bansa
  • Pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-Mcduffle na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt

    Marso 24, 1934
  • Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Konstitusyon ng Pilipinas na niratipika ng sambayanan noong Mayo 14, 1935
    Pebrero 8, 1935
  • Ipinahiwatig ni Pangulong Quezon ang kaniyang plano na magtatag ng Surian ng Wikang Pambansa

    Oktubre 27, 1936
  • Ipinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng Wikang Pambansa

    Nobyembre 13, 1936
  • Tungkulin ng Surian ng Wikang Pambansa
    Gumawa ng pag-aaral ng pangkahalatang wika sa Pilipinas, Magpa-unlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambasa batay sa isang wikang umiiral sa buong kapuluan, Bigyang halaga ang wikang pinakamaundlad ayon sa balangkas, mekanismo at panitikang tinatanggap
  • Hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng Surian, alinsunod sa Seksiyon 1, Batas Komonwelth 185
    Enero 12, 1937
  • Lumabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na nagpapatibay sa TAGALOG bilang batayang wika ng Pambansang Wika ng Pilipinas

    Disyembre 30, 1937
  • Inilabas ng Surian ang resolusyon na TAGALOG ang gawing batayan ng pambansang wika
    Nobyembre 7, 1937
  • Inilabas ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 na ipinag-uutos ang pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang ANG BALARILA NG WIKANG PAMBANSA
    Abril 1, 1940
  • Pagtuturo ng Wikang Pambansa simula sa mga Paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan
    Hunyo 19, 1940
  • Panahon ng Hapon (1942) – Nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista” na nagnais na gawing Tagalog na mismo ang wikang Pambansa at hindi na batayan lamang
  • Ganap nang ipinatupad ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagtatakdang wikang opisyal na ang pambansang wika
    Hunyo 4, 1946
  • Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng LINGGO NG WIKANG PAMBANSA mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon

    Marso 6, 1954
  • Sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon bilang paggunita sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon
    Setyembre 1955
  • Inilabas ni Lalihim Jose F. Romero na Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “KAILANMA’T TUTUKUYIN ANG WIKANG PAMBANSA, ITO AY TATAWAGING PILIPINO”
    1959
  • Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa PILIPINO
    Oktubre 24, 1967
  • Naging wikang panturo ang PILIPINO sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70

    1970
  • Sa isang Order Pangkagawaran Blg. 22 s. 1987, sinasabing gagamitin ang FILIPINO sa pagtukoy sa Wikang Pambansa ng Pilipinas

    Marso 12, 1987
  • Tagalog
    Katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935)
  • Pilipino
    Unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959)
  • Filipino
    Kasalukuyang tawag sa pambasang wika ng Pilipinas, lingua franca ng mga Pilipino, at isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas kasama ang Ingles (1987)
  • Ayon sa Seksyon 6, Artikulo xiv ng Konstitusyon ng 1987, ang wikang Filipino ay ang wikang Pambansa ng Pilipinas
  • Dapat payabungin at pagyamanin pa ang mga salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang wika
  • Dapat magsagawa ng mga hakbangin ang pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at wika ng pagtuturo sa Sistema ng edukasyon
  • Ingles at Español
    ang dalawang wikang ginamit sa pananakop naman ng mga Amerikano, Ingles ang naging wikang opisyal, Wikang Tagalog ang ginamit ng mga Katipunero sa mga opisyal na kasulatan