MGA HAMONG PANGKAPALIGIRAN (M2) (Q1)

Cards (35)

  • Ang Pilipinas ay bahagi ng tinatawag na Coral Triangle, dito mahahanap ang iba’t –iba at maraming uri ng corals na pinamamahayan ng iba’t – ibang uri ng isda.
  • Coral Triangle
    Ay kinikilalang pinakasentro ng Marine Biodiversity sa mundo. Isa ang Pilipinas sa iilang mga bansang napapaloob sa Coral Triangle kung saan mayroong humigit kumulang (Allen, 2007) 1000 uri ng reef species.
  • Biological diversity o biodiversity
    Sa maikli, ay tumutukoy sa lahat ng uri ng buhay sa daigdig, mula sa pinakamaliit na baktirya hanggang sa inakamalalaking sequoia; mula sa mga bulati hanggang sa mga agila.
  • Mahalagang mapanatili ang biodiversity ng isang lugar dahil ito ang ating pinagkukunan ng ating mga pangangailangan para sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
  • Sa pagkawala ng mga hayop sa isang lugar nasisira rin ang biodiversity dahil dito pwede ring masira ang pamumuhay ng mga taong naninirahan dito.
  • Solid Waste
    ito ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisamyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basurang nagmumula sa sector ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakalalason (Philippine Congress, 2001).
  • Mga Uri ng Solid Waste:
    • Residential (56.7%)
    • Komersyal (27.1%)
    • Institusyonal (12.1%)
    • Industriya (4%)
    • Biodegradable (52.31%)
    • Recyclable (27.78%)
    • Residual waste (17.98%)
    • Special waste (1.93%)
  • Nabubulok (Biodegradable)

    Uri ng basura na nabubulok. Ito ay ginagamit bilang fertilizer o pataba sa lupa. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay mga dahon, prutas, at dumi ng mga hayop.
  • Di-Nabubulok
    ay tumutukoy sa mga bagay na hindi nasisira o nabubulok sa paglipas ng panahon. Sa konteksto ng mga materyales, ito ay maaaring mga bagay na gawa sa plastik, metal, o iba pang matibay na materyales na hindi madaling mabulok
    Ito ay may tatlong uri:
    • Nareresiklo (recyclable)
    • Residual (Wala ng gamit)
    • Special (Nakakalason, nakamamatay)
  • Residual Waste
    ay tumutukoy sa mga basurang hindi na ma-recycle, ma-compost, o magamit muli pagkatapos ng segregation o paghiwalay ng mga nabubulok at di-nabubulok na basura. Ito ang mga bagay na kadalasang diretso nang itinatapon sa landfill o dumpsite dahil wala na silang pakinabang o hindi na maaaring iproseso sa ibang paraan. Halimbawa nito ay mga plastic wrappers, glasswares, diapers, at styrofoam.
  • Special Waste
    ay tumutukoy sa mga uri ng basura na nangangailangan ng espesyal na pamamahala, dahil sa kanilang kemikal, pisikal, o biological na katangian na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran. Dahil sa mga posibleng mapanganib na epekto ng mga ito, hindi sila maaaring itapon sa mga karaniwang landfill o ituring na katulad ng regular na basura.
    Ito ay may apat na uri:
    • Medical/Healthcare Waste
    • Toxic/Hazardous waste
    • Bulky Waste
    • Electronic Waste
  • Medical Waste
    tumutukoy sa mga basura na nagmumula sa mga pasilidad ng kalusugan tulad ng mga ospital, klinika, laboratoryo, at mga bahay-alagaan. Kasama dito ang mga basurang nabuo mula sa pagsusuri, paggamot, at pagbabakuna sa mga tao o hayop. Ang mga basurang ito ay maaaring maglaman ng mga nakakahawang materyales, kemikal, at iba pang mapanganib na substansiya na maaaring magdulot ng seryosong panganib sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran.
  • Toxic Waste
    Ay mga uri ng basura na naglalaman ng mga kemikal o materyales na maaaring magdulot ng malubhang panganib sa kalusugan ng tao, kalikasan, o sa kapaligiran. Ang mga basurang ito ay maaaring maging sanhi ng pagkalason, pagkasunog, pagsabog, o iba pang masamang epekto kung hindi tama ang paghawak, pagtatago, o pagtatapon.
  • Bulky Waste
    ay tumutukoy sa mga malalaking bagay o materyales na hindi karaniwang isinasama sa regular na koleksyon ng basura dahil sa kanilang laki, bigat, o dami. Kadalasang nangangailangan ang mga ito ng espesyal na pamamaraan ng koleksyon at pagtatapon dahil hindi sila kasya sa mga karaniwang basurahan o mga trak ng basura. Halimbawa ay mga kagamitan sa bahay.
  • Electronic Waste
    ay tumutukoy sa mga sirang, lipas na, o hindi na ginagamit na electronic devices at appliances. Kasama dito ang iba't ibang uri ng elektronikong kagamitan na naglalaman ng mga bahagi tulad ng metal, plastik, at kemikal na maaaring makasama sa kalusugan ng tao at sa kapaligiran.
  • Datos ayon sa sulat ng Senado (Taon 2016):
    Mahigit kumulang 40,000 tonelada ng basura araw-araw
    • NCR (9212.92)
    • Rehiyon 4a (4,440.15)
    • Rehiyon 3 (3,890.12)
    • Rehiyon 6 (2,892.04)
    • Rehiyon 7 (2,790.86)
    Ayon sa World Bank mas tataas pa ito sa humigit kumulang 77,000 tonelada sa pagdating ng 2025. (SEPO, 2017)
  • Hindi lang Pilipinas at mga karagatang napapaloob sa bansa ang naaapektuhan ng talamak na basura. Iilan sa mga basurang napupunta sa mga dagat, ilog at sapa at kahit yung mga nasa landfill na dadalhin ng agos ng tubig ulan ay magiging bahagi ng “Great Pacific Garbage Patch”.
  • Karamihan sa mga plastik na natitipun dito ay mga lambat, may mga laruan mula pa sa Amerika at Asya, at yung iba ay basurang mula sa mga barko. Sa ngayon may 5 lugar kung saan matatagpuan ang mga Garbage patches sa hilaga at sa timog ng mga karagatang Pasipiko at Atlantiko, at isa naman sa karagatang Indian.
  • In short, Great Pacific Garbage Patch:
    • Tipunan ng mga basura galing sa mga dagat, ilog, at sapa at kahit yung mga nasa landfill na dinadala ng agos ng tubig ulan
    • Hilagang Bahagi ng Karagatang Pasipiko
    • Timog na bahagi ng Karagatang Pasipiko
    • Hilagang Bahagi ng Karagatang Atlantiko
    • Timog na bahagi ng Karagatang Atlantiko
    • Karagatang Indian
  • Minsan nang tinaguriang “land of milk and honey” dahil hitik sa yamang likas at minsan na ring binansagan ni Jose Rizal na “Pearl of the Orient Seas” dahil sa tinataglay na likas na kagandahan ng Pilipinas, ngunit di maipagkakaila ngayon, ang pagkasira at ang pagkaubos ng likas na yaman nito. Mula sa kagubatan, hanggang sa kalaliman ng karagatan ng Pilipinas, isang malaking hamon ang pagpapanumbalik ng kanyang likas na kayamanan at kagandahan.
  • Yamang Gubat
    Malaki ang pakinabang ng kagubatan sa ating pangaraw-araw na pamumuhay. Dito natin kinukuha ang mga prutas, tela, troso para gawing bahay, mga halamang gamut at dito rin namamahay ang iba’t-ibang mga hayop.
  • Yamang Gubat:
    • Noong 1934, ang Pilipinas ay may 17 milyong ektarya ng kagubatan.
    • 1990 - bumbaba ito sa 6.6 milyong ektarya
    • 2 dekada ay tumaas ito
    • 2006 nagsimula ng bumaba
    • 2011 - ipanasa ang executive order No. 23 o mas kilala bilang National Greening Program ni Pangulong Benigno Aquino III na naglayong matamnan na 1.5 Bilyong puno ang 1.5 Milyong ektarya ng lupain.
    • 2016 - pinahaba pa ito ang executive order 193 o mas kilala pa bilang Enhanced national greening program na naglalayong maibalik ang humigit kumulang 7.1 milyong ektarya ng nakalbong kagubatan.
  • Mga Datos Ukol sa Kagubatan:
    • Legal at illegal na pagmimina, pagkakaingin at agricultural fires, turismo at paggawa ng mga pasilidad sa turismo, paglaki ng mga populasyon sa mga probinsya.
    • Humigit kumulang 1.2 milyong ektarya ng nakalbong kagubatan ng ating bansa ang kailangang irehabilitate sa 2022.
  • Mga Datos Ukol sa Kagubatan:
    • 10 Probinsyang may pinakamalaking Forest Cover (2010): Palawan, Isabela, Cagayan, Agusan del Sur, Surigao del Sur, Quezon, Apayao, Aurora, Bukidnon, Nueva Vizcaya
    • 10 Probinsyang may pinakamaliit na Forest Cover (2010): Guimaras, Siquijor, Batanes, Metro Manila, Cavite, Batangas, Camiguin, La Union, Masbate, Pampanga
  • Dahilan ng pagkaubos ng Kagubatan:
    • Pagpapatayo ng mga imprastaktura
    • Paglawak ng lupain para saa agrikuktura
    • Fuel wood harvesting at pangunguling
    • Pagdami ng mga tao
    • Pabago-bagong pagpatupad ng batas
    • Kulturang Pinoy (kawalan ng disiplina, pagkamaaksaya, kawalan ng malasakit)
    • iba pang salik (kalidad ng lupa, topograpiya, sunog, baha, digmaan at pagbabago ng palisya o batas)
  • Epekto ng pagkaubos ng Kagubatan:
    • Pagkaubos ng tubig, mga hayop, at halaman
    • May 6 na watersheds Ang Central Cebu River Basins (Kotkot (lusaran), Mananga (Talisay), Lusaran-Cambado, Cansaga, Butuanon, Cebu City)
  • Yamang Tubig
    • 1977 - mahigit kumulang 1,508,855 MT ng isda (5.5 bilyong piso at 4.85% ng ating GDP)
    • 2018 - 4,356,875 MT (P214.869 bilyong piso o 1.2% ng ating GDP (2000 CPI)
  • Ayon sa Water Environment Partnership in Asia marami pa ring lugar sa Pilipinas ang may problema sa malinis at sapat na tubig tuwing tag-init:

    • NCR
    • Gitnang Luzon
    • Timog Katagalugan
    • Gitnang Visayas
    ay bahagi sa mga lugar na nakakaranas ng kakulangan at kontaminadong tubig
  • Yamang Tubig
    • 36% ng ating mga ilog ay kabilang sa pinagkukunan ng tubig na maiinom sa bansa.
    • 58% ng groundwater na sinuri ay kontaminado ng coliform at nangangailangan ng treatment.
    • 31% ng mga sakit na namonitor sa loob ng limang taon ay nagmula sa mga water-borne sources.
    • Maraming mga lugar ang nakararanas ng kakulangan sa tubig tuwing tag-init.
  • Yamang Lupa:
    Ayon sa UN Food and Agriculture Organization, malaki ang papel na ginagampanan ng agrikultura sa ating ekonomiya
    • humigit kumulang 40 % ng mga manggagawang Pilipino ay kabilang dito.
    • 20% ng ating GDP ay kita galing sa agribusiness.
    • at ito ay kumakatawan sa 70% ng kabuuang output ng sektor ng agrikultura.
  • Ang Bureau of Soil and Water Management ay nagbigay naman ng mga kadahilanan sa pagbaba ng kalidad ng lupang pansakahan:

    • Pagkakaingin
    • Pagpapastol o pagpapagala ng sobrang daming hayop
    • Walang habas na pagputol ng kahoy
    • Pag-aararo ng pataas o pababa
  • Climate Change
    - ito “ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo”.
  • Ayon sa Climate Change Commission sa Pilipinas mas lalala pa ang climate change kung magpapatuloy ang trend sa pagtaas global emissions. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nanganganib bunsod sa mga epektong dala ng climate change tulad ng:

    • Mas malalakas na ulan na kayang magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa.
    • Mas mahaba at pinaigting na tagtuyot dala ng El Niño na magdudulot ng pagkamatay ng mga pananim, kakulangan sa tubig at pagkasunog sa mga kagubatan.
    • Mas malakas na bagyong nabubuo at pumasok sa Philippine Area of Responsibility.
  • Ayon sa Climate Profile na ginawang USAID noong 2017 (USAID, 2017), malaki ang magiging epekto ng climate change sa Pilipinas katulad ng:

    • Tubig - sa mga lugar na hindi masyadong inuulan malaki ang magiging epekto dito sa kalidad at kakulangan sa tubig.
    • Kagubatan - maaring magbago ang dami ng ulan at rainfall pattern.
    • Agrikultura – ang ating mga magsasaka ay nakasalalay sa tubig upang palaguin at paramihin ang kanilang pananim.
    • Pagtaas lebel ng tubig sa dagat – sa pagkatunaw ng ice caps, mas lumalaki ang ating karagatan dahil sa karagdagang tubig mula rito.
    • KALUSUGAN NG TAO
  • Maraming mga hayop at halaman na endemic o sa Central Cebu River Basins, lang matatagpuan tulad ng Cebu flowerpecker (Critically Endangered), black shama o siloy (Endangered), Cebu cinnamon tree (Endangered), isang bagong tuklas na orkid, ang streak-breasted bulbul (Endangered), ang rufouslored kingfisher (Vulnerable), Uling Goby, at ang Philippine tube-nosed fruit bat (Endangered) (DENRRO7, 2017)