AP 10: CLIMATE CHANGE

Cards (7)

  • Climate change - tumutukoy sa pagkakaroon ng kaibahan sa klima. Ang mga dapat at tipikal na nangyayari sa panahon at klima ay naiiba at madalas, ito ay lumalala.
  • Pagkasira ng lupa - maaring dulot ng kakulangan sa puno, sa polusyon att iba pang mga suliraning pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan ang mga halaman at ang ecosystem.
  • Polusyon - ang presensya sa kapaligiran kung saan ito ay nagdudulot ng masamang epekto. Ang halimbawa nito ay polusyon sa tubig, sa lupa, sa hangin at sa liwanag, na madalas ay dulot ng lubos na paggamit ng mga tao sa kayamanan o kagamitan nang hindi inaayos ang pagtapon nito.
  • Urbanisasyon - tumutukoy sa pagiging urbanidad ng isang lugar mula saVpagiging rural. Dahil dito, lumalaki ang populasyon, maaring lumaki din ang lugar na nasasakupan nito kung saan maaring maapektuhan ang ating kapaligiran. Mas pipiliin ng iba na tayuan ng mga gusali ang isang lugar kaysa sa ipreserba at alagaan ang kapaligiran.
  • Deforestation - pagputol o pagsunong ng mga puno at kagubatan. Ito ay may masamang epekto sa kapaligiran dahil pinipigilan nito ang pagtubo at paglaki ng mga puno at ang usok ng pagkasunog ay makakaapekto sa Ozone Layer.
  • Pagnipis ng Ozone Layer - ito ay dahil sa labas na carbon dioxide sa ating planeta. Kapag labis na naging manipis ang Ozone Layer, lalong tataas ang temperature ng planeta, magiging mas mainit at maaring magkaroon ng sakit ang mga tao at hayop at tumaas ang lebel ng tubig.
  • Pagkawala ng Biodiversity - ito ay epekto ng mga naunang suliraning pangkapaligiran. Dahil dito, maapektuhan rin ang ating mga pagkain at tirahan ng mga hayop. Maaring mas maraming hayop ang maging extinct o tuluyan nang mawala sa mundo.