Higit na maunlad na istruktura, may mekanismo, mabisang nagagamit sa panitikan, tinatanggap ng nakararaming Pilipino, mayaman sa koleksyon ng panitikan, at malawak na ginagamit sa kabisera.
Ano ang layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino na nalikha noong Agosto 14, 1991?
Mag-sagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.
Ano ang nilalaman ng Saligang-Batas ng 1973 tungkol sa wikang pambansa?
Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging Filipino.
Ano ang pangunahing layunin ng Komisyon sa Wikang Filipino?
Ang Komisyon ay may atas na magsagawa, mag-ugnay at magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon ng Filipino at iba pang mga wika ng Pilipinas.