Pinakakaluluwa ng maikling kuwento. Ito ang damdamin ng kaisipang nais bigyang-diin sa loob ng kuwento. Nakasalalay rito ang saysay ng kuwento, na madalas ay nakabatay sa aspirasyong nais ng may-akdang maipabatid sa mga mambabasa.
Kaisipan
Ideyang iniikutan ng maliliit at malalaking pangyayari sa loob ng kuwento.Lagi itong nakasalig sa sentrong diwa ng kuwentong binabasa
Tauhan
Isa sa mga nagpapatingkad sa mga pangyayari saloob ng isang maikling kuwento. Sa pamamagitan ng pagsusuri sa takbo ng pag-iisip, desisyon, at kilos ng tauhan, nakararamdam ng pagkamuhi o pakikisimpatiya ang mgamambabasa.
Tagpuan/Panahon
Lugar na ginagalawan ng mga tauhan at pinagganapan ng kuwento. Mahalaga ang ugnayan nito sa naging daloy ngmga pangyayaring bumuo sa banghay ng kuwento.
Suliranin
Mga haharapin pa lamang o kinahaharap nang problema ng pangunahing tauhan. Ito ang nagbibigay-kulay sa saysay ng pag-iral ng kuwento at hudyat ng pagsisimula ng banghay. Para sa pangunahing tauhan at mga kasamahan pa, ito ang nagbibigay ng motibo sa kanilang mga pasiya at kilos
Tunggalian
Tinutukoy nito ang pakikipaglaban ng pangunahing tauhan at iba pa sa panloob at panlabas na mga puwersa. Nahahati ito sa apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, at tao laban sa kalikasan.
Uri ng Tunggalian
tao laban sa tao
tao laban sa sarili
tao laban sa lipunan
tao laban sa kalikasan.
Banghay
Disenyo o pagkakaayos ng mga pangyayari sa loob ng kuwento. Binubuo ng simula, saglit na kasiglahan, kasukdulan, kakalasan, at wakas na mga bahagi.
Ang banghay ang tumatayong balangkas ng mga pangyayari o ang tinatawag na outline. Nakatutulong ito sa awtor na makapagsalaysay nang maayos at malinaw sa mga nais ilakip sa akda.
Bilang isang mapanuring mambabasa, kinakailangang mabatid ang mga bahagi ng banghay upang masubaybayan ang takbo ng kuwento
Mga Bahagi ng Banghay
Panimula
Saglit na Kasiglahan
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas
Panimula
Ipinakikilala sa mambabasa ang mga tauhan at tagpuan ng akda. Pinupukaw kaagad nito ang interes ng mambabasa upang magpatuloy sa pagbasa ng kuwento
Saglit na Kasiglahan
Panandaliang pagtaas ng tensiyo o aksiyon sa mga tagpong nagtatampok sa mga pangunahin tauhan
Kasukdukan
Itinuturing ang bahaging ito bilang rurok ng kuwento. Nakapagpapasabik ito sa mambabasa sanhi ng madamdamin o umaatikabong pangyayari sa buhay ng mga tauhan
Kakalasan
Unti-unti nang humuhupa ang aksiyon sa bahaging ito sapagkat nabibigyang-linaw na ang mga pangyayari. Nagsisilbi itong hudyat na nasusulusyunan na ang suliranin ng kuwento
Wakas
Bahaging naglalahad ng kinahinatnang pangyayari at estado ng mga tauhan sa pagtatapos ng kuwento
Estilo
Tinutukoy nito ang napiling masining na ekspresyon ng mga ideya ng manunulat. ito ang katauhan ng awtor na sumasalamin sa kaniyang akda, sa pamamagitan ng kaniyang mga salitang ginagamit. Isa itong paraan upang makilala ang manunulat sapagkat nagkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang kaniyang panulat
Mga Estilo
flashback o pagbabalik-tanaw
kronolohikal
daloy ng kamalayan
daloy ng kamalayan
tala ng sari-saring saloobin at damdamin ng isang tauhan, na walang malinaw na argumento o lohikal na pagkakaayos ng mga salaysay