Kahulugan ng Salita: Denotatibo at Konotatibo

Cards (7)

  • Denotatibo
    Tinatawag din itong denotasyon o tekstwal. Tinutukoy nito ang kahulugang literal kung ano ang salita,. Ito ang kahulugang nakasaad o ibinigay sa isang diksyunaryo
  • Konotatibo
    Tinatawag din itong konotasyon o kontekstuwal. Mga pagpapakahulugan na hindi direkta o maaaring pahiwatig lanag ang ipinararating na tanging sa kabuouan ng pangungusap lamang mabibigyan ng katuturan. Kailangan basahin at unawain nang maigi ang kahulugan sa pagitan ng mga salita. Maaari ding maging batayan sa pagpapakahulugan ng isang tao ang kaniyang karanasan at emosyon
  • Paghahatol at Pamamatuwid
    Upang maging ganap na mabisa ang kakayahan ng indibidwal sa pagpapakahulugan sa isang bagay o salita, mahalaga rin na maunawaan niya ang mga pamamaraan sa pagpapamalas ng kaniyang kaalaman ukol sa isang paksa, isyu, o usapin.
  • Mahalagang mabatid muna ng isang tao ang mga pangyayari sa pagitan ng dalawang panig ng usapin bago siya makapagpahayag ng resulta ng kaniyang pagsusuri o paghahatol. Magalaga rin na sa pagtutuwid ay maisaalang-alang ang angkop na pagpapairal ng batas, relihiyon, at kultura upang maiwasa ang pagkiling o pagkakaroon ng bias
  • Paghahatol at Pamamatuwid
    Kinakailangang maging patas sa pamamagitan ng angkop na pagsasaalang-alang ng batas, kultura, at relihiyon na pinatutungkulan ng dalawang panig ng usapin. Iwasan ang pagkiling o pagpanig ng walang malinaw na batayan
  • Mayaman sa bokabularyo ang wikang Filipino. Marami tayong mga salitang nagagamit sa iba-ibang pagpapakahulugan. Maaaring sa simula ay aakalain nating alam na natin ang kahulugan ng isang salita o kosepto subalit maaaring maiba ito kapag ginamit na sa pahayag.
  • Kailangang maging mapanuri tayo upang matukoy ang kahulugan ng mga salitang ating nababasa. Makatutulong ito upang mas madali nating maunawaan ang pahayag at ang kabuoan ng akdang ating binabasa