Mga Pang-ugnay sa Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Cards (7)

  • Pang-ugnay
    Mga salitang nagsisilbing tulay sa pagitan ng mga bahagi ng dalawang pahayag. Tumutulong din ito upang madala ang diwa ng isang pangungusap patungo sa isa pang pangungusap o talata patungo sa iba pang talata. Pinag-uugnay ng pangugnay ang mga pangungusap at talata nang maging makinis ang takbo ng pahayag at magkaroon ng biglaang pagtalon o pagputol ng mga ideya
  • Tatlong Kaparaanan sa Pagsusunod-sunod ng Ideya
    1. Kronolohikal
    2. Prosidyural/Pamanuto
    3. Sikuwensiyal
  • Kronolohikal
    Isinasaayos ang mga pahayag batay sa tiyak na salik o katangian. Karaniwan, pinagsusunod-sunod ang mga pangngalan gamit ang pamilang na panunuran o ordinal na pang-uri.

    Hal: Unang, pangalawa, pangatlo
  • Prosidyural/Pamanuto
    Tinatawag na prosidyural kapag naglalahad ang pahayag ng mga hakbang sa pagsasagawa ng isang bagay. Nagbibigay-halaga ito sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang o paraan tungo sa tiyak na pagtatapos ng isang gawain.

    Hal: Unang hakbang, Ikalawang hakbang, Ikatlong hakbang
  • Sikuwensiyal
    Nakabatay sa serye ng mga magkakaugnay na pangyayari sa isa't isa. Humahantong ito sa kahinatnan ng wakas na siyang karaniwang paksa ng teksto.

    Hal: Noong unang panahon, isang araw
  • Pagbubuod
    Lagom o pinaikling salaysay ng mga tagpo sa isang nabasa o napakinggan teksto. Samakatuwid, ito ang kabuoan ngunit nasa pinakamaikiling paraang maisasalaysay ang isang akda
  • Mga dapat isaalang-alang sa pagbubuod
    1. Pagbasa nang maigi sa kabuuan ng akda
    2. Paggamit ng sariling termino o pananalita
    3. Maikli ngunit taglay ang mahahalagang pangyayari
    4. Paghahati ng akda sa tatlong bahagi (Simula, Gitna, Wakas)