Pagsusuri ng Nobela (Batay sa Tunggaliang Tao vs. Sarili)

Cards (9)

  • Pagkilala sa Pahiwatig
    Ang pagbibigay interpretasyon sa mga pahiwatig ay nangangailangan ng malalim na pang-unawa sa pahayag o sitwasyon
  • Ang isang mahusay na pagsusuri ng nobela ay hindi lamang nakatuon sa elemento nito. Kailangan rin pagtuunan ng pansin ang mga pahiwatig na ginamit dito maging ang mga tunggalian na nakapaloob sa akda
  • Pahiwatig
    istilong ginagamit ng manunulat upang sabihin ang kaniyang gustong sabihin sa paraang hindi lantad o hayagan. Ang mga pahiwatig o palatandaan ay mabibigyang kahulugan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga pangyayaring nakapaloob sa sitwasyon o konteksto
  • May mga misteryo o hiwaga na kailangan tuklasin sa pagbabasa. Kailangang maging malikhain ang guni-guni o imahinasyon ng mambabasa upang mabigyang-kahulugan niya ang akda.
  • Kasanayan sa Pag-unawa ng mga Salita
    1. Paghihinuha o Pagpapalagay(Inferencing)
    2. Paghula o Prediksyon (Predicting)
  • Paghihinuha o Pagpapalagay
    • Ito ay ang pagpapaliwanag o pagbibigay-kahulugan sa tulong ng mga pahiwatig at ng sariling kaalaman ng mambabasa.
    • Ang manunulat o tagapagsalita ay nagpapahiwatig o nagbibigay ng implikasyon samantalang ang mambabasa o tagapakinig naman ay nagpapalagay o bumubuo ng hinuha
  • Paghula o Prediksyon
    • Naglalayong hulaan ang kalalabasan ng pangyayari o kuwento. Madalas gamitin ang kasanayang ito sa maikling kuwento at nobela
    • Ang manunulat ay nagbibigay ng implikasyon o mga pahiwatig kung saan ang mga mambabasa ang bubuo ng hula o prediksyon
  • Tunggaliang tao laban sa sarili
    Tinatawag din itong tunggaliang sikolohikal. Masasalamin dito ang dalawang magkaibang paghahangad o pananaw ng iisang tao. Madalas na may kinalaman sa paniniwala at moralidad ng isang tao ang ganitong uri ng suliranin
  • Uri ng Tunggaliang Tao Laban sa Sarili
    • Ang pagkakaroon ng tunggalian sa pagkatao (Identity crisis)
    • Ang pagkakaroon ng takot sa isang bagay o gawin ang isang bagay
    • Tunggaliang nilalaban ang isang gawain o trabaho
    • Ang pagkakaroon ng tunggalian ng konsiyensiya (guilt feeling)