Filipino

Cards (34)

  • Ano ang ibig sabihin ng "nagpapahiwatig" sa mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay?
    Ito ang pahayag na hindi direktang makikita, maririnig o mahihipo ang ebidensiya subalit sa paggamit ng pahayag ay masasalamin ang katotohanan.
  • Ano ang ibig sabihin ng "nagpapakita" sa mga pahayag sa pagbibigay ng mga patunay?
    Ito ang pahayag na nagbibigay-suporta sa isang bagay o ideyang pinatutunayan o pinatotohanan.
  • Ano ang ibig sabihin ng "may dokyumentaryong ebidensiya"?
    Ito ang pahayag na tumutukoy o nagpapakita ng patunay na maaaring nakasulat o may ebidensiyang larawan o video.
  • Ano ang halimbawa ng may dokyumentaryong ebidensiya?
    Kitang-kita sa mga dokyumentaryong ebidensiya, larawan man o video, ang patunay na dumating na ang Santo Papa sa bansa.
  • Ano ang ibig sabihin ng "nagpapatunay/katunayan"?

    Ito ang mga pahayag na ginagamit kapag nais magsabi o magbigay ng pananalig o paniniwala sa isang pahayag o ideya.
  • Ano ang ibig sabihin ng "taglay ang matibay na konklusyon"?

    Ito ang pahayag na ginagamit kung nais palakasin ang ipinakikitang ebidensiya, pruweba o impormasyon upang magpatotoo o magpatunay sa isang pahayag o ideya.
  • Ano ang ibig sabihin ng "kapani-paniwala"?
    Ito ang pahayag na ginagamit kung nais sabihin na ang ebidensiyang ipinakikita ay makatotohanan at maaaring makapagpatunay.
  • Ano ang halimbawa ng kapani-paniwala na ebidensiya?
    Batay sa mga ebidensiyang inilatag sa korte, pinatutunayan lamang nito na kapani-paniwala ang kaniyang sinasabi.
  • Ano ang ibig sabihin ng "pinatutunayan ng mga detalye"?
    Ito ang pahayag na ginagamit upang ipaliwanag o ipakita ang mga detalyeng magpapatunay o magpapatotoo sa mga ideya o pahayag.
  • Bakit mahalagang masuri ang mga detalye sa mga pahayag?
    Upang mapatunayan o mapatotohanan ang isang ideya o pahayag.
  • Ano ang mga halimbawa ng kwentong bayan?
    • Si Juan at ang alimango
    • Ang diwata ng karagatan
    • Ang Punong Kawayan
    • Bakit may pulang palong ang mga tandang?
    • Naging Sultan si Pilandok
  • Ano ang kahulugan ng kwentong bayan?
    Ang Kuwentong-bayan ay mga salaysay tungkol sa mga likhang-isip na tauhan na kumakatawan sa uri ng mamamayan.
  • Ano ang ibig sabihin ng "alamat" sa panitikan?
    Ang alamat ay isang uri ng panitikan na naglalahad o nagkukwento ng mga bagay-bagay sa daigdig.
  • Ano ang pagkakaiba ng pabula sa alamat?
    Ang pabula ay isang uri ng kwento na hayop ang pangunahing tauhan na gumaganap.
  • Sino ang ama ng Pabula?
    Si Aesop.
  • Kailan lumaganap ang Pabula?
    Bago ang 400 B.C.
  • Ano ang katangian ni Aesop?

    Siya ay may kapansanan, may ketong, at isinilang na kuba.
  • Ano ang mga elemento ng Pabula?
    • Tauhan
    • Tagpuan
    • Banghay
  • Ano ang kahulugan ng banghay sa kwento?
    Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.
  • Ano ang mga elemento ng banghay?
    • Simula
    • Pataas na kasiglahan
    • Tunggalian
    • Kasukdulan
    • Kakalasan
    • Wakas
  • Ano ang simula sa banghay?
    Paglalahad paglalarawan sa tauhan, tagpuan o maaaring mailahad agad ang suliranin.
  • Ano ang nangyayari sa pataas na kasiglahan?
    Dito nagaganap ang paglalahad sa suliranin at isinasaad ang mga nagiging reaksiyon o hakbang ng mga tauhan.
  • Ano ang tunggalian sa kwento?
    Pakikipaglaban o pakikipagtunggali ng mga tauhan.
  • Ano ang kasukdulan sa kwento?
    Pinakamataas na bahagi ng kwento na masasabing dito ang pinakapana-panabik na bahagi ng kwento.
  • Ano ang kakalasan sa kwento?
    Ipinapakikita ang pababang aksyon o pangyayari sa pabula na nagpapahiwatig ng nalalapit na pagwawakas.
  • Ano ang wakas sa kwento?
    Naglalahad ng kinahinatnan ng pangunahing tauhan sa pabula at maging sa suliraning kinahanap ng mga tauhan.
  • Ano ang mga uri ng tunggalian sa kwento?
    • Tao laban sa Tao
    • Tao laban sa Sarili
    • Tao laban sa Lipunan
    • Tao laban sa kalikasan
  • Ano ang mga bahagi ng pelikula?
    • Iskrip
    • Direktor
    • Musika at Soundtrack
    • Artista
  • Ano ang ibig sabihin ng sanhi?
    Ugat, dahilan, pinagmulan ng isang bagay.
  • Ano ang ibig sabihin ng bunga?
    Resulta, epekto, kasagutan ng isang bagay.
  • Ano ang mga karaniwang paksa ng alamat?
    • Katutubong kultura
    • Kaugalian
    • Kapaligiran
  • Ano ang layunin ng alamat?
    • Ipaliwanag ang mga pangyayaring makasaysayan at ang pinagmulan nito.
    • Magbigay libangan.
    • Magbigay aral o leksyon.
  • Ano ang mga uri ng pelikula?
    • Romance / Romansa
    • Horror / Nakakakilabot
    • Comedy / Makakatawa
    • Action / Aksyon
    • Documentary
  • Ano ang kahulugan ng pelikula?
    Ang pelikula ay isang halimbawa ng sining na nakakakitaan ng pag-arte ng mga taong gumaganap.