Isa sa mga uri ng panitikang tuluyan. Tinatawag din itong kathambuhay.
isang mahabang akdang pampanitikan na binubuo ng iba't-ibang kabanata
Kadalasan, ito ay hango sa mga tunay na pangyayari sa isang buhay ng tao at sumasakop ng mahabang panahon
kinapapalooban ng maraming tauhan, may mahusay na pagbabalangkas sa banghay, at kawing-kawing na mga tunggaliang humahantong sa isang mabisang wakas
Nagsimula ang nobela sa ating bansa noong panahon ng mga Kastila kasabay ng paglaganap ng Kristiyanismo
Barlaan at Josaphat
Griyegong akda ni San Juan Damasceno
unang nobelang naisulat at naipalimbag sa Pilipinas
isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja
kumbersiyon sa pagiging Kristiyano ng isang prinsipe sa India, si Josaphat
Si Tandang Basio Macunat (1885)
isinulat ni PadreMiguel Lucio Bustamante
tungkol sa lipunan at relihiyon na naglalaman ng mga pangaral at pagtupad sa mga tungkulin bilang isang Katoliko
Teoryang Pampanitikan
isang sistematikong pagaaral ng panitikan. Ito ay naglalarawan sa tungkulin ng panitikan kabilang na ang layunin ng may-akda sa pagsulat
Teoryang Romantisismo
Naglalayong maipakita ang kahalagahan ng damdamin ng isang tao kaysa mga gamit sa mundo. Naniniwala ang mga romantisista sa lipunan na demokratiko, makatao, at patuloy sa pag-unlad
Ang Ulap
Ildefonso Santos
Pagtatapat
Lope K. Santos
Pakikidigma
Jose Corazon de Jesus
TEORYANG ROMANTISISMO
Kaakibat nito ang inspirasyon, imahinasyon at paglikha, makapangyarihang damdamin, kapangyarihang rebolusyunaryo, kalikasang personal, katotohanan, kabutihan, at kagandahan
may layon na maipamalas ang iba't ibang paraan ng tao o sumasagisag sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan.
Naipapamalas ng teoryang Romantisismo ang:
pag-ibig sa kalikasan
awit at korido
pagpapahalaga sa dignidad
paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao
pagmamahal sa kalayaan at sa lupang sinilangan
kahandaan na magmahal sa lalaki o babae na nag-aangkin ng mga kapuri-puri at magagandang katangian, kagandahan, at inspirasyon