Masining na pagpapahayag

Cards (33)

  • Sopista( mula sa "sophos" o karunungan
  • Itinayo na rin si Corax ang unang paaralan na nagturo ng mga prinsipyo ng retorika
  • *Sophism" ay nangangahulugan na " ang paggamit ng nakalilinlang na panghihimok na nagttatangkang mainpluwensyahan ang damdamin ng mga nakikinig, imbis na kanila lamang pangangatwiran na nagpapkita ng luwad na dunong
  • Habang binabatikos ni Aristotle ang mga Sopista, hinasa pa niya ang retorika sa "The Art of Rhetoric" at binigyang pansin at kahulugan ang mga alituntunin at pamamaraan nito habang sina Cicero, sa pamamagitan ng kanyang akda, ang "Rhetorica ad Herenniun" (na kakikitaan ng limang "canon" ng retorika) at Quintilian ang nagpayabong ng retorika sa Roma.
  • Tinuloy pa ng ibang mga manunulat ang pagyabong, pagpapakahulugan, at paghasa ng retorika tulad nina San Agustin (354-430), Boethius (~480-524), Erasmus (~1466-1536), at iba pa.
  • Sa panahon ngayon, maaaring marinig mo sa mga ibang tao ang retorika, na ang tinutukoy nila ay ang paggamit ng mga magarang salita upang manghimok, isang pagpapababa ng istado ng retorika tulad na nga ng nangyari sa mga Sopista, sapagkat sa mga sinungaling at manloloko hindi lang sila ang binabato, pati na rin ang mga pamamaraan nila.
  • Para sa mga Griyegong "rhetor" (na katawagan sa mga guro at maestro) na nagsasalita sa hukuman at sa madla, hanggang sa mga kasalukuyang pinuno na tulad ng mga rhetor ay tagapagsalita at kahit na sa atin ang retorika ay isang tunay na makapangyarihang kaalaman dahil ang retorika ay ang paggamit ng wika upang makapaghatid ng m mensahe nang malinaw at kapani-paniwala.
  • Ayon sa pag-aaral nina Simplicio Bisa, Paulina Bisa, Lourdes Concepcion at B. S. Medina, Jr. sa kanilang aklat na Masining na Pagpapahayag (Dulog Modyular, 2008), ang retorika ay tinatawag ding pagtatalumpati (oratory sa Ingles) na nagmula sa Gresya noon pang mga 460 B.C. Nilangkapan ito ni Aristotle ng estilo para maging maayos ang gagawing pagdulog ng mananalumpati o orador. Nilangkapan din ng etikal at mga paraang lohikal para maging higit na matagumpay ang pagganyak, si Demosthenes ang nakilalang pinakatanyag na orador ng Griyego (Harvey 1996)
  • Ipinalalagay na maimpluwensyang orador si Isocrates (436-339 B.C.) naging estudyante siya ni Socrates ang nagtatag sa Athens ng tanyag na paaralan sa retórika na nagturo ng estilo ng pagbigkas batay sa maindayog at magandang pakinggang prosa higit sa mga pamamaraang istaylistik na pinahalagahan ng mga sophist, ang prosa ni Isocrates ay katangi-tangi sa pagkakaroon ng eleganteng ng eleganteng putol-putea mga pangungusap at mayaman sa kaalaman sa kasaysayan at pilosopiya
  • Ang retorika ay tumutukoy sa masining na pagpapahayag na ginagamitan ng maayos, malinaw, mabisa at kaakit-akit ng mga pananalita upang maunawaan at makahikayat sa mga nakikinig at bumabasa.
  • Karagdagan, batay sa pag-aaral ni Resurreccion D. Dinglasan sa kanyang aklat na Retorikang Filipino (2001):
    -Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at pagsulat
    -Ayon kay Socrates (300 B.C.): "Ang retorika ay siyensya o agham ng paghimok o pag-sang-ayon." Para naman kay Aristotle, "Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok." Ang dayuhang manunulat na si Richard Whatley ay nagsabing, "Ito ay sining ng argumentong pagsulat."
  • Nagbigay din ng kahulugan si Jose A. Arrogante batay sa kanyang aklat na Retorika Masining na Pagpapahayag (2007), na ang retorika ang tinatawag ni Aristotle na wika at diskusyon sa kanyang diskursong pinamagatan niyang "Poetics" na walang iba kundi ang sining ng publikong pagsasalita. Sa ibang pananalita, ang retorika ang sining ng epektibong pagsasalita mapasapubliko man o mapasa-anyong kumbersasyon, ito ang pag-aaral ng iba't ibang mahuhusay na pamamaraan sa preparasyon at presentasyon ng mga sasalitain.
  • Sa kabilang dako, ayon sa pag-aaral ni Paquito Badayos sa kanyang aklat na Retorika Susi sa Masining na Pagpapahayag (2001), ang retorika ay sining nA epektibong pamimili ng wika, at ang pagkakaroon ng mga alternatibo.
  • Ang mga Layunin ng Retorika
    Batay sa pag-aaral ni Arrogante (2007) sa kanyang aklat na pinamagatang Retorika Masining na Pagpapahayag, sa tatlong inisa-isang larangan o kakayahan, ang retorika ang kabuuan ng dili't iba kundi ang pinakahulugan ng isang simpleng kilala ng lahat na idyomang: "matamis ang dila," ang kagalingan ng isang tao na:
    •makapanghikayat na gumawa ng isang bagay na ipinadaramang tama:
    •makapagpabatid ng tungkol sa mga bagay-bagay na hindi pa nalalaman; at
    •makapang-aliw para makapagbigay-kasiyahan at kabutihan sa kapwa.
  • Karagdagan, may ilan pang mga layuning dapat malaman sa pag-aaral ng retorika, ito ay ang mga sumusunod:
    •makapagpokus ng atensyon ng tagapakinig;
    •makapagsanay sa magilas, malinaw, angkop at may panlasang pagpapahayag
    •makapagpaintinding mabuti at maliwanag;
    •maikintal sa isip at loob ang diwa o kaisipang sinasabi;,
    •maipagamit ang inihahayag na mensahe;
    •makapagtatag ng tiwala sa sarili; at
    •makadebelop ng kritikal na pag-iisip.
  • •Isang limitadong sining
    -Marami ang hindi ito kayang gawin. Ang retorika ay mayroong sukdulan o hangganan. Dahil maaring imahinasyon lamang ang gamitin sa sining na ito.
    •Isang may kabiguang sining
    -Hindi lahat ay may kagalingan sa paghawak ng wika. Ito ay likas na komplikado dahil sa mga tuntunin na pababago bago. Sa iba ito ay nagiging frustrating na karanasan.
    •Isang nagsusupling na sining
    -Ito ay dumadami. Ang isang manunulat ay nagsusulat ng isang ideya sa isipan at nagsusupling ng isang akda. At patuloy tuloy na napapasa ang kaalaman sa kaniyang kaisipan.
  • Ang Retorika Bilang Sining (Austero, Bandril at de Castro: 2000) Tulad ng awit ang retorika ay mayroon ding sining o iba't ibang paraan o estilo na nalinawan sa ating isipan, damadamin at mambabasa.
  • •Isang Kooperatibong sining
    -Hindi maaring gawin ng nag-iisa. Sa pamamagitan nito nagbubuklod ang isang tagapagsalita at tagapakinig sa iisang ideya.
    •Isang pantaong sining
    -Dahil sa ang wika ay midyum ng retorika, pasalita man o pasulat. Dahil dito, ito ay pag-aari ng tao ang retorika ay isa ring siniong at pantao.
    •Isang Temporal na sining
    -Ito ay nababatay sa panahon.Ang gumagamit nito ay nangungusap sa lenggwahe ngayon at hindi bukas o kahapon.
  • MGA SAKLAW ng RETORIKA :Upang awaan ang retorika, kailangang ikonsidera kung ano ito o kaya'y kung hindi ito ganito, ano ito? Ipinakikita ng ilustrasyon ang realm o sakop ng retorika batay sa pag-aaral nina Austero, Bandril at de Castro, 2000;
    ANG RETORIKA
    •Artistikong mapanlikha
    •Makatwiran Pilosopikal
    •Panlipunang Konsern
    • siyentipikong nakikita
    Ang nagsasalita ay isang artistikong mapanlikha. Gumagamit ng simbolo upang bigyang buhay ang ideya. Gumagamit ng imahinasyon upang akitin ang mga tagapakinig.
  • Nagiging pilosopikal ngunit reasonable o makatwiran ang isang gumagamit ng retorika upang ipakikita na ang mga argumento ay kailangang may pardon ng sensibilidad upang maunawaan ng iba.
    Dahil sa siya ay isang mamamayan, kailangan niyang maging konsern sa lipunan na tutulong sa gawaing pagbabago hindi lamang para sa isang tao kundi sa mas marami pang tao.
    Dahil sa maraming tinutumbok ang retorika, ito ay makapangyarihan. Ang "acid test" sa pagitan ng mga siyentipikong nakikita at nasasabi ay nagpapakita ng katotohanan.
  • GAMPANIN NG RETORIKA
    1. Nagpapaluwag ng Daan para sa Komunikasyon - may mga bagay na hindi natin masabi nang diretsahan kaya gumagamit tayo ng retorika Nagdidistrak dahil sa pakikinig natin sa iba, nakalilimot tayo sa ating gawain at kinukuha nito ang ating atensyon. Pinag-iisip tayo sa paksa. Pinagkokonsentreyt tayo sa bagay na binabanggit. Pinahihina ang ating latitude sa pagpili. Kinokontrol nito ang depinisyon na ibinibigay natin para sa isang gawain; halimbawa, "ang inyong abuloy sa simbahan ay di kawalan sa inyong matiryal na yaman kundi ito'y kontribusyon ninyo sa langit.
  • GAMPANIN NG RETORIKA
    2. Nagdidistrak dahil sa pakikinig natin sa iba, nakalilimot tayo sa ating gawain at kinukuha nito ang ating atensyon. Pinag-iisip tayo sa paksa. Pinagkokonsentreyt tayo sa bagay na binabanggit. Pinahihina ang ating latitude sa pagpili. Kinokontrol nito ang depinisyon na ibinibigay natin para sa isang gawain; halimbawa, "ang inyong abuloy sa simbahan ay di kawalan sa inyong matiryal na yaman kundi ito'y kontribusyon ninyo sa langit."
  • GAMPANIN NG RETORIKA
    3. Nagpapalaki/Nagpapalawak - para itong intelektwal algebra. Humihingi ng pahintulot na ikunsidera ang bagong solusyon sa problema. Iniexpand nito ang pananaw ng tagapakinig-pinararami. 4. Nagbibigay Ngalan ito ang mga tao, hayop, bisikleta, bato ay dumating o ipinanganak nang walang "label." Dahil sa retórika binibigyan sila ng mga katawagan.
  • GAMPANIN NG RETORIKA
    5. Nagbibigay Kapangyarihan dahil sa retórica, maraming mga tahimik at konserbatibong tao ang naging prominente dahil sa kagalingang magsalita. Ang kapangyarihang sosyal (social power) ay ibinigay sa kanila ng lakas ng retórika. Ang mga matatalinong ideya, malalim na paniniwala at idolohiya ay pinagmumulan din ng kapangyarihan at kalakasan. Kabilang na rito ang mga paniniwala, konsepto at teorya ng mga sinaunang pilosopo at paham.
  • GAMPANIN NG RETORIKA
    6. Nagpapahaba ng Oras pinahahaba nito ang oras upang ang panahon ay kumilos sa paghilom ng mga sugat ng lipunan. Ito ang winika ni Martin Luther King nang sinabi niyang, "Mayroon akong panaginip.... na minsan isang araw, dito sa Alabama, ang mga maiitim at mapuputing batang paslit ay maghahawak-kamay bilang magkakapatid. Mayroon akong pangarap ngayon."
  • MGA SANGKAP NG RETORIKA
    •Ang kaisipang gustong ipahayag. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais nating magpahayag. may mahalaga tayong kaisipang nais ipahayag.
    •Ang pagbuo o organisasyon. Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang paglalahad. ito ay kumakatawan sa kakayusan ng pagkakabuo.
  • MGA SANGKAP NG RETORIKA
    •Ang estilo ng pagpapahayag. Ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang may kaugnayan sa istilo. ang anyo o kaayusang akda ó komposisyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng pagpapahayag. Hindi lamang sa kawastuan ng balarila kungdi maging sa panitikan.
  • KAHALAGAHAN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG
    Dahil bawat tao ay nag-aangkin ng likas na kakayahang magsalita, dapat lamang na ang angkin niyang kakayahang ito ay sadyang mapaunlad nang mahusay na magamit at lubos na mapakinabangan. Ito'y maisasakatuparan lamang kung mamahalagahin ng tao ang kabatirang panretorika kung saan ang dalawang (2) kakayahan sa pagpapahayag (pasalita at pasulat): Ito ay batay sa pag-aaral ni Arrogante (2003) sa kanyang aklat na Retorika sa Mabisang Pagpapahayag.
  • KAHALAGAHAN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG
    •Ang kakayahang linggwistika na ang bawat aspektong pangwika: ang palatunugan (ponolohiya), ang palabuuan ng salita (morpolohiya), at ang sintaksis (gramatika) ay masusing pinag-aaralan, sa gayon, ang paggamit ng wika, ang pinakainstrumento sa pagpapahayag, ay magiging matatas, masining, at mabisa.
  • KAHALAGAHAN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG
    •Ang kakayahang komunikatibo na bukod sa maingat, maayos, at magandang paggamit ng wika, ang matalino, maguniguni, at malikhaing pagsasabuhay nito sa bawat sitwasyong kinalalagyan ng tao ay napangyayaring matagumpay.
  • KAHALAGAHAN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG
    Higit pang mahuhusto ang pag-angkin sa mga kakayahang ito kung mahahasang mabuti ang kasanayan sa maretorikang pagpapahayag sa pamamagitan nang pagsasagawa nito saan mang kinalalagyang larangang pinagpupunyagian. Bukod sa paghubog sa maintensidad na katangian ng boses at magilas na pagsasalita, sa malawak na taglay na bokabularyo, maangkop at masining na pagpili ng mga salitang gagamitin sa pagsusulat, ang pagiging matapat sa pagpapahayag ay mapalulutang at makakagamayan.
  • KAHALAGAHAN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG
    Mangyari, ang sinseridad, mapasapasalita o mapasapasulat na pagpapahayag, ang isang katangiang pang- estilo na hindi dapat ipasawalang-bahala ng sinuman nang maging makatotohanan ang pagpapahayag dahil dito namumuni ang katapatan at dito maaaninag ang kaluluwa ng nagsasalita o nagsusulat, gayundin, dito natataya ang kanyang pagkatao, at dito nakasalalay ang kanyang tagumpay.
  • KAHALAGAHAN NG MARETORIKANG PAGPAPAHAYAG
    Ayon nga sa bukambibig na sabi-sabi ng mga Pilipino: Ang nagsasabi ng tapat, nagsasama nang maluwag. Anupa't ang sinseridad kapag inaangkupan ng mga kaalamang panretorika tulad sa paggamit ng mga natural na idyomang kilala sa kultura, masasalaming tiyak dito ang pagkalahi ng tagapagpahayag.