Teorya ng Wika

Cards (15)

  • Ano ang Teoryang Ding-Dong tungkol sa pinagmulan ng wika?

    Ipinalalagay na ang lahat sa kapaligiran ay may sariling tunog na kumakatawan sa nasabing bagay.
  • Ano ang halimbawa ng Teoryang Ding-Dong?
    Halimbawa: Tunog ng kampana, relo, tren.
  • Ano ang Teoryang Bow-wow?

    Ang wika ay ang paggagad ng tunog na likha ng kalikasan.
  • Ano ang mga halimbawa ng Teoryang Bow-wow?
    Halimbawa: Tunog ng kulog, ihip ng hangin, pagbagsak ng alon, kahol ng aso at ingay ng pusa.
  • Ano ang Teoryang Pooh-Pooh?
    Ang tunog na nalikha mula sa nadarama o damdamin ng isang tao.
  • Ano ang mga halimbawa ng Teoryang Pooh-Pooh?
    Halimbawa: Pagtawa, pag-iyak, pagkabigla, pagtataka at iba pang bulalas ng damdamin.
  • Ano ang Teoryang Yo-He-Ho?

    Ang tao ay nakakapagpahayag ng mga salita kapag siya ay gumagamit ng pisikal na lakas ng aksyon.
  • Ano ang mga ekspresyon na nasambit ng tao sa Teoryang Yo-He-Ho?
    Ekspresyon na nasambit ng tao kapag nagbubuhat siya ng mabigat na bagay, babaing nagluluwal ng sanggol, kalahok sa kompetisyon.
  • Ano ang Teoryang Ta-Ta?
    Ang wika ay nagbuhat sa paggagad sa galaw ng katawan.
  • Ano ang paniniwala ni Darwin na kaugnay ng Teoryang Ta-Ta?
    Ang wika sa pasimula ay isa lamang na gagad-bibig, o nagsisimula sa paggagad ng mga sangkap ng bibig sa pagsasalita, sa mga kumpas o senyas ng kamay.
  • Ano ang Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay?

    Ang pagkilos, pagsayaw, pagsigaw, pagbulong ng mga taong kalahok o gumaganap sa mga ritwal at sinaunang selebrasyon ay lumilikha ng mga tunog at pag-usal ng mga salita.
  • Ano ang mga halimbawa ng Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay?
    Halimbawa: Pangingisda, pakikipagdigma, pagtatanim, pagpapakasal, pag-aalay at iba pa.
  • Ano ang Teoryang Yum-Yum?
    Tunog na sanhi ng pagkagutom o pagkalam ng sikmura.
  • Ano ang Teorya ng Tore ng Babel?
    Teorya na noong una ay isa lang ang wikang ginagamit ng mga tao sa mundo.
  • Ano ang nangyari sa mga tao ayon sa Teorya ng Tore ng Babel?
    Nagpasya ang mga tao na magtayo ng isang tore aabot hanggang langit upang sila ay maging tanyag at di magkahiwa-hiwalay, ngunit nagalit ang Diyos kaya iniba-iba ang kanilang wika.