Sa ilalim ng Saligang Batas na ito, pinagtibay ang Tagalog bilang opisyal na wika ng Pamahalaan. Layunin nitong mapalapit ang pamahalaan sa mamamayan gamit ang isang wikang naiintindihan ng mas maraming Pilipino
**Panahon ng Amerikano (1846–1898)**:
Sa panahon ng kolonisasyon ng mga Amerikano, sapilitang ipinagamit ang Ingles bilang wikang panturo sa mga paaralan, at ipinagbawal ang paggamit ng mga katutubong wika o bernakular. Bahagi ito ng kanilang layuning makontrol ang sistema ng edukasyon at palaganapin ang kanilang kultura.
**Hulyo 10, 1934**:
Itinatag ang Kapulungang Pansaligang-Batas bilang paghahanda para sa Malasariling Pamahalaan. Naging bahagi nito ang usapin tungkol sa isang pambansang wika na magbibigay pagkakaisa sa iba't ibang rehiyon ng bansa.
**Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksyon 3**:
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 3, ang Pambansang Asemblea ay inatasang gumawa ng mga hakbang upang magkaroon ng isang Wikang Pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika ng Pilipinas. Layunin nitong maitaguyod ang isang opisyal na wika na magbibigay pagkakakilanlan sa bansa.
**Batas ng Komonwelt Blg. 184 (1936)**:
Noong Nobyembre 13, 1936, pinagtibay ng Pambansang Asemblea ang Batas ng Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Ang tungkulin ng SWP ay pumili ng angkop na batayan para sa magiging Wikang Pambansa.
**Kautusang TagapagpalaganapBlg. 134 (1937)**:
Noong Disyembre30, 1937, iprinoklama ni Pangulong Manuel Luis Quezon ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa. Ipinakita nito ang pagpapahalaga ng pamahalaan sa Tagalog bilang batayan ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
**Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)**:
Noong 1940, iniutos ang paglilimbag ng isang balarila at diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Kasabay nito, inihayag na sisimulan na rin ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong bansa simula Hunyo 19, 1940.
**Konstitusyon ng 1973**:
Sa ilalim ng Konstitusyon ng 1973, itinadhana na dapat magsagawa ng mga hakbang ang Batasang Pambansa para sa paglinang at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging "Filipino." Habang wala pang bagong batas, mananatiling Ingles at Filipino ang mga opisyal na wika ng bansa.
**Kautusang Pangkagawaran Blg. 203 (1978)**:
Noong 1978, nilagdaan ng Kalihim ng Edukasyon si Jose E. Romero ang kautusan na nag-uutos sa paggamit ng katagang "Filipino" bilang opisyal na pagtukoy sa pambansang wika ng Pilipinas.
**Buwan ng Wika (1997)**:
Noong Hulyo 15, 1997, pinalawig ni Pangulong Fidel V. Ramos ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa mula Agosto 1 hanggang 31, sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1041. Ang layunin nito ay mas palawakin pa ang pagpapahalaga sa wikang Filipino.
Hunyo 7, 1940:
Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946, ang wikang pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954:
Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang pagdiriwang ng linggo ng Wikang Pambansa mula marso 29 - abril 4. Subalit ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13 - 19 tuwing taon.
Agosto 12, 1959-
Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg. 7.
Oktubre 24, 1967:
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng mga gusali at mga tanggapan ay nakapangalan sa Pilipino.
Marso, 1968:
Ipinalabas ng Kalihim Tanapagtanggap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng pamuhatan ng liham ng kagawaran, tanggapan, at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.
Agosto 7, 1973:
Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang teryarya sa lahat ng paaralang pampubliko o pribado.
Hunyo 19, 1974:
Nilagdaan ni kalihim Juan Manuel ng kagawaran ng edukasyon at kultura ang kautusang pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.
1987 -
Ipinatupad ang artikulo XIV, Seksyon 6 na ang wikang pambansa ay Filipino.
-Pinagtibay ang patakarang bilingguwalismo sa pamamagitan ng pagtuturo ng Filipino at Ingles.
-Nalikha ng Linangan ng Wika sa Pilipinas (LWP) alinsunod sa Tagapagpaganap Blg. 117 bilang pamalit sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP).
90’s
Agosto 14, 1991
-Itinatag ang Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ayon sa Batas Republika Blg. 7104
1997 - Inilipat ang “ Linggo ng Wika” tungo sa “Buwan ng Wika” ni Pang. Fidel V. Ramos
2000’s
2009 - Ipinatupad ang MTB – MLE sa mga mag – aaral sa pre – school hanggang ikatlong baiting alinsunod
sa Kautusan Blg. 74, 2009 ng Kagawaran ng Edukasyon na bahagi ng edukasyon ng K12.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60-
Ipinag-utos ni Pangulong Diosdado Macapagal na awitin ang pambansang awit sa wikang Pilipino
Kautusang pangkagawaran blg. 24-
Ipinalabas noong 1962 ng kalihim ng edukasyon na si Alejandro Roces na nag uutos na mula sa 1963-1964, ipalimbag ang lahat ng sertipiko at diploma sa wikang Pilipinom