Bahagi Ng Pananalita

Cards (147)

  • Ano ang bahagi ng pananalita na nagsasaad ng ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, pangyayari, damdamin, kaisipan o ideya?
    Pangngalan (Noun)
  • Ano ang mga uri ng pangngalan?
    1. Pantangi (Proper Noun)
    2. Pambalana (Common Noun)
  • Ano ang katangian ng pangngalang pantangi?
    Nagsasaad ito ng tanging pangalan at isinusulat sa malaking titik ang unang letra.
  • Magbigay ng halimbawa ng pangngalang pantangi.
    Tsina, Judy Ann, monggol
  • Ano ang pagkakaiba ng pangngalang pambalana sa pangngalang pantangi?
    Ang pangngalang pambalana ay tawag sa karaniwang pangalan, samantalang ang pangngalang pantangi ay tanging pangalan.
  • Ano ang mga kayarian ng pangngalan?
    1. Payak
    2. Maylapi
    3. Inuulit
    4. Tambalan
  • Ano ang halimbawa ng pangngalang payak?
    lilo, lila, lambat, silo, ilog
  • Ano ang katangian ng pangngalang maylapi?
    Ito ay mga salitang-ugat na may panlapi sa unahan, gitna, o hulihan.
  • Magbigay ng halimbawa ng pangngalang maylapi.
    ganda - kagandahan
  • Ano ang ibig sabihin ng pangngalang inuulit?
    Mga pangngalang inuulit ang salitang ugat o ang salitang maylapi.
  • Ano ang halimbawa ng pangngalang inuulit?
    tatay-tatayan, sabi-sabi, biru-biruan
  • Ano ang dapat tandaan tungkol sa mga pangngalang inuulit?
    May mga pangngalang inuulit na walang katuturan kapag napag-isa at itinuturing na mga salitang ugat.
  • Ano ang halimbawa ng mga salitang inuulit na walang katuturan?
    gamugamo, guniguni, alaala
  • Ano ang mga klase ng mga pangngalang inuulit?
    a. Pag-uulit na Parsyal
    b. Pag-uulit na Ganap
  • Ano ang halimbawa ng pag-uulit na parsiyal?
    ari-arian, tau-tauhan
  • Ano ang halimbawa ng pag-uulit na ganap?
    sabi-sabi, sari-sari
  • Ano ang katangian ng tambalang pangngalan?
    Binubuo ito ng dalawang magkaibang salita na ipinapalagay na isa na lamang.
  • Magbigay ng halimbawa ng tambalang pangngalan.
    hampaslupa, sampay-bakod, akyat-bahay
  • Ano ang mga kasarian ng pangngalan?
    1. Pambabae
    2. Panlalaki
    3. Di-tiyak
    4. Walang kasarian
  • Ano ang halimbawa ng pangngalang pambabae?
    ate, nanay, Gng. Cruz
  • Ano ang halimbawa ng pangngalang panlalaki?
    kuya, tatay, G. Santos
  • Ano ang halimbawa ng pangngalang di-tiyak?
    doktor, titser, huwes, punong-guro
  • Ano ang halimbawa ng pangngalang walang kasarian?
    silya, lobo, puno
  • Ano ang mga uri ng pangngalan ayon sa gamit?
    1. Basal
    2. Tahas
    3. Lansak
  • Ano ang katangian ng basal na pangngalan?
    Hindi ito nakikita o nahahawakan ngunit nadarama, nasa gawi at kaisipan.
  • Magbigay ng halimbawa ng basal na pangngalan.
    katalinuhan, pagmamahal, pagdurusa
  • Ano ang katangian ng tahas na pangngalan?
    Mga pangngalang nakikita o nahahawakan.
  • Magbigay ng halimbawa ng tahas na pangngalan.
    pula, ulap
  • Ano ang katangian ng lansak na pangngalan?
    Nagsasaad ito ng pagsasama-sama, kumpol, grupo o pangkat.
  • Magbigay ng halimbawa ng lansak na pangngalan.
    kawan, buwig, pulutong, batalyon
  • Ano ang bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan?
    Panghalip (Pronoun)
  • Bakit ginagamit ang panghalip?

    Upang mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan.
  • Ano ang mga uri ng panghalip?
    1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)
    2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun)
    3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)
    4. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun)
    5. Panghalip na Patulad (Comparative Pronoun)
  • Ano ang katangian ng panghalip na panao?
    Ipinapalit ito sa ngalan ng taong nagsasalita, kausap, at pinag-uusapan.
  • Ano ang mga halimbawa ng panghalip na panao ayon sa kailanan?
    • Isahan: Ako, akin, ko
    • Dalawahan: kita, kata
    • Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin
  • Ano ang mga halimbawa ng panghalip na panao para sa taong kausap?
    Isahan: Ikaw, ka; Dalawahan: kita, kata; Maramihan: Kayo, inyo, ninyo
  • Ano ang mga halimbawa ng panghalip na panao para sa taong pinag-uusapan?
    Isahan: Siya, niya, kanya; Dalawahan: kita, kata; Maramihan: Sila, kanila, nila
  • Ano ang katangian ng panghalip na pamatlig?
    Ipinapalit ito sa pangngalang nagtuturo ng lugar na kinalalagyan ng pangngalan.
  • Ano ang mga halimbawa ng panghalip na pamatlig ayon sa lokasyon?
    • Malapit sa Nagsasalita: ito/ire, heto, dito
    • Malapit sa Kausap: iyan, hayan/ayan, diyan
    • Malayo sa Nag-uusap: iyon, hayun/ayun, doon
  • Ano ang katangian ng panghalip na panaklaw?
    Mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o kalahatan ng kinatawang pangngalan.