Libro

Cards (41)

  • Ang klima- ang init o lamig ng panahon, ang bagyo,
    unos, baha at ulan ay malaki ang nagagawa sa
    kaisipan at damdamin ng manunulat.
  • Ang hanapbuhay o gawaing pang-araw-araw ng tao -
    nagpapasok ng mga salita o kurokuro sa wika at
    panitikan ng isang lahi ang tungkulin, hanapbuhay, o
    gawaing pang-arawaraw ng mga tao
  • Ang pook o tinitirhan – malaki ang nagagawa nito sa
    isipan at damdamin ng tao. Kung ang pook na
    kinatitirhan ng mga tao ay may magagandang tanawin,
    mahalaman, maaliwalas, sagana sa kabukiran, madagat,
    at mabundok, ang mga ito’y siyang magiging paksa ng
    panitikan ng mga taong nagnanasang sumulat.
  • Lipunan at pulitika – nasasalamin sa panitikan ng isang
    lahi ang sistema ng pamahalaan, ang ideolohiya at
    ugaling panlipunan, at gayun din ang kultura ng mga
    tao.
  • Edukasyon at pananampalataya – Kung busog ang isipan,
    dala ng malawak na edukasyong natutuhan, ang mga
    ito’y mababakas sa panitikan ng lahi. Ang
    pananampalataya ay paksa rin ng mga makata at
    manunulat.
  • Koran – ang pinakabibliya ng mga Muslim. Galing ito sa
    Arabia
  • Ang Iliad at Odyssey – ito ang kinatutuhan ng mga
    mitolohiya at paalamatan ng Gresya. Akda ito ni Homer.
  • Ang Mahabharata – ito ay ipinalalagay na pinakamahabang
    epiko sa buong daigdig
  • Canterbury Tales – naglalarawan ito ng pananampalataya
    at pag-uugali ng mga Ingles noong unang panahon.
  • Uncle Tom’s Cabin – akda ito ni Harriet Beecher Stowe
    ng Estados Unidos. Kababasahan ito ng naging karumal-dumal na
    kalagayan ng mga alipin at naging batayan ng demokrasya.
  • Ang Divine Comedia – akda ni Dante ng Italya.
    Nagpapahayag ito ng pananampalataya at pag-uugali ng mga
    Italyano nang panahong yaon.
  • Ang El Cid Compeador – nagpapahayag ng mga katangiang
    panlahi ng mga Kastila at ng kanilang kasaysayang pambansa.
  • Ang Awit ni Rolando –Nagsasalaysay ng gintong panahon ng
    Kakristiyanuhan sa Pransya.
  • Ang Aklat ng mga Araw – akda ito ni Confucio ng Tsina.
    Naging batayan ng mga Intsik sa kanilang pananampalataya.
  • Ang Doctrina Cristiana -kauna-unahang aklat na nalimbag sa
    Pilipinas noong 1593 sa pamamagitan ng silograpiko.Akda ito
    nina Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva.
  • Ang Barlaan at Josaphat – ito ang ikatlong aklat na
    nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre Antonio
    de Borja.
  • Ang Urbana at Felisa – ito’y aklat na sinulat ni Modesto
    de Castro, ang tinaguriang “Ama ng Klasikang Tuluyan sa
    Tagalog”. Naglalaman ito ng pagsusulatan ng magkapatid na
    sina Urbana at Felisa. Pawang tungkol sa kabutihang-asal ang
    nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang nagawang
    impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga Pilipino
  • Noli Me Tangere – ito ang una at walang kamatayang
    nobelang nagpasigla nang malaki sa Kilusang Propaganda at
    siyang nagbigay-daan sa himagsikan laban sa Espanya. Sa aklat
    na ito ay walang pakundangan niyang inilantad ang kasamaang
    naghahari sa pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas.
  • El Filibusterismo - Ang Fili ay lantad sa mga kabulukan ng
    pamahalaan, kasama rito ang katulong ngunit higit na naging
    makapangyarihan, ang simbahan.
  • Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam) – ito ay kanyang
    sinulat noong siya ay nakakulong sa “Fort Santiago”
  • Junto Pasig (Sa Tabi ng Pasig) – Isinulat niya ito nang
    siya ay may 14 na taong gulang lamang.
  • Me Piden Versos (Hinilingan Nila Ako ng mga Tula) 1882 at
    Las Flores de Heidelberg (Sa mga Bulaklak ni Heidelberg) 1882.
    Ang dalawang tulang ito ay nagpapahayag ng mga
    dipangkaraniwang kalaliman ng damdamin.
  • Notas A La Obra Sucesos De Las Filipinas Por El Dr.
    Antonio de Morga (Mga Tala sa Akdang Pangyayari sa Pilipinas
    ni Dr. Antonio de Morga) 1889
  • Diario de Viaje de Norte Amerika (Taalarawan ng
    Paglalakbay sa Hilagang Amerika)- ika 12 na libro ni rizal
  • Pag-ibig sa Tinubuang Lupa – salin sa tulang Kastilang
    “Amor Patrio” ni Rizal na napalathala noong Agosto 20, 1882
    sa “Diariong Tagalog”.
  • Kaiigat Kayo – ito’y isang pabiro at patuyang tuligsa at
    tugon sa tuligsa ni P. Jose Rodriguez sa “Noli” ni Rizal;
    inilathala sa Barcelona noong 1888. Gumamit siya ng sagisag
    na “Dolores Manapat” sa akda niyang ito.
  • Dasalan at Tocsohan – akdang hawig sa katesismo subalit
    pagkutya laban sa mga prayle na inilantad sa Barcelona, 1888.
    Dahil dito’y tinawag siyang “Pilibustero”. Kahanga-hanga
    ang himig na panunuya at ang kahusayan ng pananagalog.
  • Ang Cadaquilaan ng Dios – ito’y isang sanaysay ng
    pagtuligsa laban sa mga prayle ngunit nagtataglay ng mga
    pilosopiya tungkol sa kapangyarihan at katalinuhan ng Poong
    Lumikha, pagpapahalaga, at pag-ibig sa kalikasan.
  • Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas – isang tulang
    nagsasaad ng paghingi ng pagbabago ngunit ang Espanya ay
    napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng anumang
    tulong sa Pilipinas. Ang tulang ito’y katugunan sa tula ni
    Herminigildo Flores na “Hibik sa Pilipinas, sa Inang Espanya”
  • La Soberana en Filipinas – isang sanaysay na tungkol sa
    mga katiwalian at di makatarungang ginawa ng mga prayle sa
    mga Pilipino.
  • Por Telepono -ikaw walong libro ni marcelo
  • Pasiong Dagat Ipag-Alab ng Puso ng Taong Babasa - ika 9 na libro ni Marcelo
  • Ang iba pang isinulat ay ang La Hija del Praile at ang
    Everything is Hambug o (ang lahat ay kahambugan). Dito ay
    ipinaliwanag ni Lopez Jaena ang mga kapahamakan at kabiguan
    kung mapakasal sa isang Kastila.
  • Sa Mga Pilipino (1891) – isang talumpati na ang layunin
    ay mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
  • Talumpating Pagunita kay Kolumbus – noong ika-391
    Anibersaryo sa pagkakatuklas sa Amerika na binigkas niya sa
    Teatro ng Madrid
  • En Honor del Presidente Morayta dela Asociacion Hispano
    Pilipino (1884) – pinuri ni Lopez Jaena si Hen. Morayta sa
    pagpapantay-pantay niya sa mga tao.
  • Isang paglinang sa Institucion ng Pilipinas -ika 11 na aklat ni Graciano
  • La Independencia – pinamatnugutan ni Antonio Luna na
    naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas.
  • La Republica Filipina – itinatag ni Pedro Paterno noong
    1898
  • La Libertad – pinamatnugutan ni Clemente Zulueta.