Pang ugnay & pang ukol

Cards (8)

  • Ano ang pangunahing gamit ng pang-ugnay sa pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon?
    Ginagamit ang pang-ugnay sa paglalahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon.
  • Anong mga salitang pang-ugnay ang ginagamit sa pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon?
    Kabilang dito ang mga salitang: at, saka, pati, isa pa, gayundin, unang, pagkatapos, sumunod, sa dakong huli.
  • Paano ginagamit ang pang-ugnay sa pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal?
    Ginagamit ito sa paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at layunin, paraan at resulta, at pagpapahayag ng kondisyon at kinalabasan.
  • Anong mga pang-ugnay ang kasama sa pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal?
    Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, upang, para, sapagkat, kasi, kaya, kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga nito/ng, ngunit, subalit, datapwat.
  • Ano ang mga halimbawa ng pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal sa mga pangungusap?
    1. Dahil sa vog ay sinuspinde ang klase sa mga paaralang apektado nito.
    2. Naglabas ng travel ban kay Alice Guo upang hindi siya makalabas ng bansa.
    3. Nagpabaya ang awtoridad kaya nakaalis pa ng bansa si Alice Guo.
    4. Nalaman ng buong bayan na nakalabas na pala ng bansa si Alice Guo, bunga nito ay galit ang taumbayan.
    5. Sinasabing nakalabas ng bansa si Alice Guo kasi may malaking politiko ang tumulong sa kanya.
  • Ano ang epekto ng pagkakaroon ng travel ban kay Alice Guo?
    Hindi siya makalabas ng bansa.
  • Ano ang naging dahilan ng galit ng taumbayan kay Alice Guo?
    Dahil nalaman ng buong bayan na nakalabas na pala siya ng bansa.
  • Bakit nakalabas ng bansa si Alice Guo ayon sa mga ulat?
    Dahil may malaking politiko ang tumulong sa kanya.