Ang Kahulugan ng Ekonomiks

Cards (38)

  • Ano ang Ekonomiks?

    Isang sangay ng agham panlipunan na tumatalakay sa pagtugon ng tao sa pangangailangan at kagustuhan gamit ang limitadong pinagkukunan-yaman.
  • Ano ang dalawang pangunahing sangay ng Ekonomiks?
    Makroekonomiks at mikroekonomiks.
  • Ano ang tinutukoy ng makroekonomiks?
    Mga usapin at konsepto para sa kabuuang ekonomiya.
  • Ano ang tinutukoy ng mikroekonomiks?
    Mga usapin at konsepto sa hanay ng tahanan at ng merkado.
  • Ano ang layunin ng Ekonomiks sa pag-aaral ng limitadong pinagkukunan-yaman?
    Upang lubos na mapakinabangan ng tao ang mga ito at makahanap ng solusyon sa mga suliraning pang-ekonomiya.
  • Ano ang kahulugan ng mga salitang pagkon sumo, disiplina, at merkantilismo?
    • Pagkon sumo: proseso ng paglikha ng mga produkto at serbisyo.
    • Disiplina: sistematikong pag-aaral ng isang paksa.
    • Merkantilismo: isang teorya ng ekonomiya na nakatuon sa pagtaas ng yaman ng isang bansa sa pamamagitan ng kalakalan.
  • Saan nagmula ang mga kaisipang ekonomiko bago ang Gresya?
    Sa ibang kabihasnan tulad ng Mesopotamia.
  • Bakit naging tanyag ang Gresya sa larangan ng ekonomiks?
    Dahil ito ay isa sa mga pinakamaunlad na ekonomiya noong ikalima at ikaapat na siglo BCE.
  • Sino si Xenophon at ano ang kanyang kontribusyon sa ekonomiks?
    Siya ang pinakunaung manunulat na tumalakay sa kaisipang ekonomiko sa kanyang aklat na Oeconomicus.
  • Ano ang tinalakay sa aklat na Oeconomicus ni Xenophon?
    Ang iba't ibang paraan ng pamamahala sa tahanan at teknolohiya sa agrikultura.
  • Ano ang ibig sabihin ng salitang ekonomiks na hango sa Griyego?
    Pamamahala sa sambahayan.
  • Ano ang tatlong batayang proseso ng ekonomiks?
    Produksyon, pamamahagi, at pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo.
  • Ano ang layunin ng pag-aaral ng ekonomiks sa ugnayan ng mga kalahok sa ekonomiya?

    Upang matukoy ang kanilang mga pag-uugali at epekto sa kabuuang daloy ng ekonomiya.
  • Ano ang mga pangunahing tanong na kailangang sagutin ng ekonomiks?
    Paano nagdedesisyon ang mga kalahok sa ekonomiya, ano ang kanilang isinasalang-alang, at paano matutugunan ang pangangailangan ng nasasakupan?
  • Kailan nabuo ang ekonomiks bilang isang hiwalay na disiplina ng pag-aaral?
    Noong 1776.
  • Ano ang aklat na isinulat ni Adam Smith at ano ang pangunahing tema nito?
    An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations, na tumatalakay sa ekonomiya.
  • Ano ang ipinakita ni Adam Smith tungkol sa ekonomiks?
    Na ang ekonomiks ay isang agham at ang desisyon ng bawat kalahok ay nakakaapekto sa kabuuang ekonomiya.
  • Ano ang tawag kay Adam Smith sa larangan ng ekonomiks?
    Ama ng Classical Economics.
  • Ano ang pangunahing ideya ng Classical Economics?
    Ang paglagong ng ekonomiya ay nangyayari sa pamamagitan ng pagbibigay-kalayaaan sa pamilihan na magtakda ng presyo.
  • Ano ang ilan sa mga kilalang konsepto sa Classical Economics?
    Laissez faire at free competition.
  • Ano ang Malthusian Trap ayon kay Thomas Robert Malthus?

    Ang pag-unlad ng produksyon ng pagkain ay pansamantalang nakabubuti sa kalusugan ng mga mamamayan ngunit nagdudulot ng pagdagsa ng populasyon.
  • Ano ang epekto ng pagtaas ng populasyon ayon kay Malthus?

    Magiging sanhi ito ng pagkaubos ng suplay ng pagkain at magdudulot ng kahirapan at kagutuman.
  • Ano ang tinatawag na Malthusian catastrophe?

    Ang malawakang pagkagutom sa lipunan kapag ang pamantayan ng buhay ay higit na mataas kaysa sa kayang itustos ng pamahalaan.
  • Ano ang iminungkahi ni Malthus upang maiwasan ang Malthusian catastrophe?

    Na alisin ang suporta ng pamahalaan sa mga mahihirap.
  • Bakit pinuna ng ibang ekonomista ang mungkahi ni Malthus?
    Dahil ito ay itinuturing na kalupitan sa mga mahihirap.
  • Ano ang kontribusyon ni Malthus sa larang ng ekonomiks?
    Ang kanyang mga ideya ay naging batayan ng mga pag-aaral tungkol sa populasyon at ang epekto nito sa ekonomiya.
  • Ano ang konsepto ng diminishing returns ayon kay Malthus?
    Ang produktibidad ng isang lugar ay bumababa pagdaan ng panahon dahil mas mabilis itong nakokonsumo ng populasyon.
  • Ano ang comparative advantage ayon kay David Ricardo?
    Ang bawat bansa ay may sariling kakayahan sa produksiyon at dapat magpokus dito.
  • Ano ang halimbawa ng comparative advantage ng Pilipinas?
    Ang agrikultura.
  • Ano ang mahalagang kontribusyon ni David Ricardo sa larang ng ekonomiks?
    Ang konsepto ng subsidiya at pagsuporta ng pamahalaan sa mga negosyong nasa comparative advantage.
  • Ano ang koneksyon ng ekonomiks at pamahalaan?
    • Kilala ang pag-aaral ng ekonomiks bilang political economy.
    • Ang ekonomiks ay may kinalaman sa mga desisyon ng pamahalaan sa ekonomiya.
  • Ano ang isinulong ni Alfred Marshall sa ika-19 na siglo?
    Ang pagsasadisiplina ng ekonomiks gamit ang matematika.
  • Ano ang naging epekto ng pag-aaral ni Alfred Marshall sa larang ng ekonomiks?
    Unti-unting nagbago ang larang ng ekonomiks mula sa political economy patungo sa mahusay na paggamit ng mga pinagkukunan-yaman.
  • Ano ang opisyal na depinisyon ng ekonomiks ngayon?
    Isang agham panlipunan na nakatuon sa tamang pagpapasya kung paano matutugunan ang pangangailangan ng tao sa kabila ng kakapusan ng mga pinagkukunan.
  • Ano ang pangunahing suliranin na tinatalakay sa pag-aaral ng ekonomiks?
    Ang walang katapusang pagtugon sa pangangailangan ng tao habang limitado ang likas na yaman.
  • Ano ang halimbawa ng limitadong yaman na patuloy na kinakailangan ng tao?

    Langis.
  • Ano ang maaaring mangyari sa langis sa hinaharap ayon sa pag-aaral ng ekonomiks?
    Maaaring maging limitado ang dami nito hanggang sa tuluyan nang maubos.
  • Paano matutukoy ng pag-aaral ng ekonomiks ang wastong paggamit ng langis?

    Sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga paraan upang magamit nang maayos ang langis at patuloy itong mapakinabangan ng tao.