AP — PANAHONG PREHISTORIKO

Cards (18)

  • Paleolithic Era - Old Stone Age
  • Bronze Age - Metal Age
  • Neolithic Era - New Stone Age
  • Ano ang halimbawa ng alamat na naglalarawan sa pinagmulan ng tao?
    Alamat ni Malakas at Maganda.
  • Ano ang tatlong paniniwala kung paano nagsimula ang tao?
    1. Siyensiya 2. Biblikal 3. Alamat
  • Ano ang tawag sa Panahong Prehistoriko na inuri sa tatlong yugto?
    Ang Panahong Prehistoriko ay inuri sa tatlong yugto: Paleolitiko, Neolitiko, at Metal.
  • Ano ang tawag sa unang yugto ng Panahong Prehistoriko?
    Paleolitiko (Panahon ng Lumang Bato)
  • Ano ang mga pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa Panahon ng Paleolitiko?
    Pangangalap ng pagkain at pangangaso.
  • Ano ang katangian ng pamumuhay ng mga tao sa Panahon ng Paleolitiko?
    Sila ay palipat-lipat ng tirahan (nomadiko).
  • Anong uri ng mga bato ang ginamit ng mga tao sa Panahon ng Paleolitiko?
    Gumamit sila ng mga magagaspang na bato.
  • Ano ang isang mahalagang tuklas ng mga tao sa Panahon ng Paleolitiko?
    Unang gumamit ng apoy.
  • Ano ang tawag sa ikalawang yugto ng Panahong Prehistoriko?
    Neolitiko (Panahon ng Bagong Bato)
  • Ano ang mga pangunahing pagbabago sa Panahon ng Neolitiko?
    Natutong magtanim at mag-alaga ng hayop, nagkaroon ng permanenteng tirahan, at natutong maghabi ng tela at gumawa ng banga.
  • Paano nagbago ang pamumuhay ng mga tao mula sa Paleolitiko patungo sa Neolitiko?
    Sa Neolitiko, nagkaroon ng permanenteng tirahan at natutong magtanim at mag-alaga ng hayop.
  • Ano ang tawag sa ikatlong yugto ng Panahong Prehistoriko?
    Metal
  • Ano ang mga pangunahing katangian ng Panahon ng Metal?
    Gumagamit ng metal bilang kasangkapan, unang nadiskubre ang tanso, gumagamit ng bronse mula sa pinaghalong tanso at lata, at gumagamit ng bakal.
  • Ano ang mga epekto ng paggamit ng metal sa lipunan sa Panahon ng Metal?
    Natutong makipagkalakalan, lumaki ang populasyon, at nabuo ang mga pamayanan.
  • Paano umunlad ang arkitektura, sining, transportasyon, teknolohiya, at iba't ibang industriya sa Panahon ng Metal?
    Dahil sa paggamit ng metal at pag-unlad ng mga kasangkapan at kalakalan.