quizbee

Cards (22)

  • Ano ang dalawang uri ng paghahambing?
    Pahambing na Magkatulad at Pahambing na Di magkatulad
  • Ano ang mga katangian ng Pahambing na Magkatulad?
    • Gumagamit ng mga panlaping: magka sing, sim-, sin, magsing, magsim, magsin, ga-
    • Nagpapakita ng magkatulad na katangian
    • Halimbawa: pareho, kapwa
  • Ano ang mga katangian ng Pahambing na Di magkatulad?
    • Palamáng: Nakahihigit sa katangian ang isa
    • Gumagamit ng: higit, lalo, mas, di-hamak
    • Pasahol: Kulang sa katangian ang isa
    • Gumagamit ng: di gaanoo, di gasino, di masyado
  • Ano ang kuwentong-bayan?
    Mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan
  • Ano ang katangian ng epiko?
    Isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na kadalasang buhat sa lipi ng mga diyos o diyosa
  • Ano ang alamat?
    Isang uri ng panitikan na nagsasalaysay sa pinagmulan ng isang bagay, tao o pook
  • Ano ang ibig sabihin ng "legendus" sa Latin?
    "Upang mabasa"
  • Ano ang tawag sa salita o lipon ng mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa pangabay?
    Pang-abay
  • Ano ang Pamanahon-Pang-abay?

    Pang-abay na nagsasaad kung kailan ginanap, ginaganap, o gaganapin ang sinasabi ng pandiwa
  • Ano ang Panandang Pandiskurso?
    • Nag-uugnay ng iba't ibang bahagi ng isang pahayag
    • Tumutulong sa pagkakaunawaan ng mensahe
  • Ano ang apat na tunggalian sa kwento?
    1. Tao laban sa Tao
    2. Tao laban sa Sarili
    3. Tao laban sa Kalikasan
    4. Tao laban sa Lipunan
  • Ano ang ambrosia sa mitolohiya?
    Pagkain ng mga diyos at diyosa upang maging imortal
  • Ano ang bu-ad sa mga taga-Ifugao?
    Ritwal upang magkaroon ng biyaya
  • Ano ang sanaysay?
    • Akda na nasa anyong tuluyan
    • Binubuo ng salitang sanay at salaysay
  • Ano ang Iliad at Odyssey?
    • Dalawang pinakadakilang epiko sa mundo
    • Isinulat ni Homer
  • Ano ang Aenid?

    • Pamambansang epiko ng Romano
    • Isinulat ni Virgil
  • Ano ang pandiwa?
    Salitang kilos sa pangungusap
  • Ano ang parabula?
    Maiikli salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral
  • Ano ang puasa?
    Ang pag-aayuno ng mga Muslim
  • Ano ang pang-ugnay o cohesive devices?
    • Salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa kasunod na ideya
    • Tumutulong sa daloy ng pahayag
  • Ano ang kwento ng tauhan?
    • Isang uri ng kwento na higit na binibigyan ng halaga ang kilos o galaw
    • Pagsasalita at kaisipan ng isang tauhan
  • Ano ang nobela?
    • Isang bungang-isip na nasa anyong prosa
    • Pang-aklat ang haba ng banghay
    • Inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo