MGA URI NG PAGSULAT

Cards (6)

  • Akademik –  Ito ay uri ng pagsulat na ginagamit sa larangan ng edukasyon at akademiko. Ito ay may layunin na nagpapakita ng malalim na pag-unawa at pagsasaliksik sa isang paksa, kadalasang may mga disiplina at pamantayang sinusunod.
  • Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon sa isang malinaw, organisado, at teknikal na paraan.
    ito ay espesyalisadong pagsulat na naka konekta sa isang larangan. :Karaniwang ginagamit ito sa larangan ng agham, teknolohiya, at propesyonal na disiplina kung saan mahalaga ang  eksaktong atensyon sa mga detalye.
  • Journalistic –  Ito ay pagpapahayag at ito ay pagsulat na kadalasang ginagawa ng mga mamamahayag na karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.
  • Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ngiba pang sanggunian hinggil sa isang paksa.
  • Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o eksklusibo sa isang tiyak na propesyon.
  • Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal at di-fiksyonal at na naglalayong mang-akit, magbigay ng aliw, at magpahayag ng mga kaisipan sa pamamagitan ng malikhaing-sining na nagpapakita ng kahusayan at pagiging malikhain ng manunulat.