Isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal, lektyur, at mga report.
Kadalasang bahagi ng tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng pahina ng pamagat.
Ayon kay Philip Koopman (1997), bagama’t ito ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang bahagi ng sulating akademiko.
Sinopsis o Buod
Isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo tulad ng kwento, salaysay, nobela, dula, parabula, talumpati o higit pang anyo ng panitikan.
Layunin nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda. Sa pagkuha ng mahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa mga tanong na: Sino? Ano? Kailan? Saan? Bakit? Paano?
Bionote
Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile ng isang tao.
Ito ay tala sa buhay ng isang tao, naglalaman ng buod ng kaniyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa journal, aklat, abstrak ng mga sulating papel, websites at iba pa.
Layunin nitong maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at mga nagawa o ginagawa sa buhay.