Tula Filipino

Cards (24)

  • Ano ang tula sa konteksto ng panitikan?
    Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
  • Ano ang layunin ng tula?
    Ang layunin ng tula ay maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.
  • Ano ang mga mahahalagang elemento ng tula?
    • Sukat
    • Tugma
    • Saknong
    • Talinghaga
    • Tema o Mensahe
  • Ano ang blankong berso?
    Ang blankong berso ay mayroong sukat ngunit walang tugma.
  • Ano ang malayang taludturan?
    Ang malayang taludturan ay itinuturing na pinakamodernong anyo ng panulaang Filipino na walang tugma at sukat.
  • Ano ang tradisyunal na tula?
    Ang tradisyunal na tula ay mayroong tugma at sukat at piling-pili ang salita't talinghaga.
  • Ano ang tugma sa tula?
    Ang tugma ay kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog.
  • Ano ang saknong sa tula?
    Ang saknong ay isang grupo o lupon ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
  • Ano ang sukat sa tula?
    Ang sukat ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong.
  • Ano ang tema o mensahe ng tula ayon kay Ho Chi Minh?
    Ang tema o mensahe ng tula ay ang ideya kung bakit naisulat ito, na naglalarawan ng kawalang katarungang naganap sa kaniya at sa iba.
  • Ano ang talinghaga sa tula?
    Ang talinghaga ay tumutukoy sa paggamit ng mga matatalinghagang salita na nagpapaganda sa isang tula.
  • Ano ang tayutay at mga uri nito?
    Tayutay:
    • Matalinghagang pahayag na nagbibigay ng mabisang kahulugan.

    Mga Uri ng Tayutay:
    1. Pagtutulad (simile)
    2. Pagwawangis (metaphor)
    3. Pagmamalabis (hyperbole)
    4. Pagbibigay-katauhan (personification)
    5. Pagpapalit-tawag (metonymy)
    6. Pagpapalit-saklaw (synecdoche)
  • Ano ang pagtutulad?
    Ang pagtutulad ay ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay gamit ang mga salitang tulad ng, gaya ng, at iba pa.
  • Ano ang halimbawa ng pagtutulad?
    Ang halimbawa ng pagtutulad ay: "Ang ibang tao ay parang hayop sa kagubatan sa pang-aapi sa kapwa."
  • Ano ang pagwawangis?
    Ang pagwawangis ay katulad ng pagtutulad ngunit hindi ito gumagamit ng mga salitang gaya ng.
  • Ano ang halimbawa ng pagwawangis?
    Ang halimbawa ng pagwawangis ay: "Ang buhay ay hindi pantay na kalakalan."
  • Ano ang pagmamalabis?

    Ang pagmamalabis ay naghahayag ng lubhang malabis sa kalagayan ng tao, hayop, bagay at halaman.
  • Ano ang halimbawa ng pagmamalabis?

    Ang halimbawa ng pagmamalabis ay: "Bumaha sa loob ng kulungan dahil sa labis na pag-iyak."
  • Ano ang pagbibigay-katauhan?
    Ang pagbibigay-katauhan ay pagsasalin ng katangian ng tao sa mga bagay, may buhay man o wala.
  • Ano ang halimbawa ng pagbibigay-katauhan?
    Ang halimbawa ng pagbibigay-katauhan ay: "Sumasayaw ang bagyo sa mapayapang daan."
  • Ano ang pagpapalit-tawag?
    Ang pagpapalit-tawag ay mahabang pangungusap na isang salita lamang ang katumbas.
  • Ano ang halimbawa ng pagpapalit-tawag?
    Ang halimbawa ng pagpapalit-tawag ay: "Nagsala-salabat ang hirap sa kasalukuyan."
  • Ano ang pagpapalit-saklaw?
    Ang pagpapalit-saklaw ay maaaring banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring isang tao ang kumakatawan sa isang grupo.
  • Ano ang halimbawa ng pagpapalit-saklaw?
    Ang halimbawa ng pagpapalit-saklaw ay: "Kinatawan ako ng bagong Vietnam."