Module 1 WIKA, KOMUNIKASYON AT WIKANG PAMBANSA

Cards (12)

  • Ang salitang wika o lengguwahe ay orihinal na nagmula sa salitang Latin na “lingua” na nangangahulugang dila at matandang pranses na “langage” na pinagbatayan ng salitang Ingles na “language” Samantala, ang salitang wika naman ay sinasabing nanggaling sa salitang Malay.
  • Sa Tagalog, ang wika ay orihinal na nangangahulugang pagbuka ng bibig sa pagsasalita o kaya ay kasingkahulugan mismo ng salita.
  • Ang wika ang siyang pangunahing instrumento ng komunikasyong panlipunan. Ang wika ang behikulo para makisangkot at makibahagi ang mga tao sa mga gawain ng lipunan upang matamo ang mga pangangailangan nito. (Constantino, 1996)
  • Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na naiuugnay natin sa mga kahulugan na nais nating iparating sa ibang tao (Emmert at Donagby, 1981)
  • Ayon kay Bouman (1990) ang wika ay isang paraan ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao, sa isang tiyak na lugar, para sa isang partikular na layunin na ginagamitan ng mga berbal at biswal na signal para makapagpahayag.
  • Sa linggwistikong paliwanag, tinatawag na wika ang sistemang artbitraryong pagpapakahulugan sa tunog at simbolo, klasipikadong paraan ng pagsulat at sa pahiwatig ng galaw o kilos ng tao na ginagamit sa komunikasyon (Bloch at Trager, 1942; Peng, 2005).
  • Ayon kay Hutch (1991), ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit sa tao sa komunikasyon. Ang pagsasalita ng tao ay tinutukoy na sistema ng tunog. Binubuo ng sagisag ang isang wika na ginagamit sa komunikasyong pantao.
  • Ayon kay Webster, ang wika ay kalipunan ng mga salitang ginagamit at naiintindihan ng isang maituturing na komunidad. Ito ay naririnig na binibigkas na pananalita na nalilikha sa pamamagitan ng dila at kalakip na mga sangkap ng pananalita.
  • Ipinahayag ni Otanes (1990), na ang wika ay isang napakaslimuot na kasangkapan sa pakikipagtalastasan. At ang paglinang sa wika ay nakapokus sa kapakinabang na idudulot sa magaaral na matutunan ang wika upang makapaghanapbuhay, makapamuhay sa kanilang kapwa, at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahang buhay sa kanyang ginagalawan.
  • Henry Gleason (1988), Ang wika ay masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinili at isinasaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa pakikipagkomunikasyon ng mga taong kabilang sa isang kultura.
  • Sapiro ( Ruzol 2014:15) Ang wika ay isang lakas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga
    kaisipan, damdamin, at
    hangarin sa pamamagitan
    ng isang kusang-loob na
    kaparaanang lumikha ng
    tunog.
  • Hemphill sa Ruzol 2014:15, Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isang pangkat ng mga tao, at sa pamamagitan nito’y nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao.