Cards (6)

    1. GAMIT SA TALASTASAN - pasalita man o pasulat, ang wika ay pangunahing kasangapan ng tao sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin.
  • 2. LUMILINANG NG PAGKATUTO - Ang mga naisulat nang akda ay patuloy na pinag-aaralan ng bawat henerasyon; tulad ng mga panitikan at kasaysayan ng Pilipinas na lumilinang at nagpapalawak ng kaisipan
  • 3. SAKSI SA PANLIPUNANG PAGKILOS - Sa panahon ng rebolusyon, mga wika ng mga rebolusyonaryo ang nagpalaya sa mga Pilipino; Ito ang nagbuklod sa mga mamamayan na lumaban para sa ating kasarinlan sa tulong ng kanilang panulat, talumpati at mga akda. Halimbawa ang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na nagpamulat sa mga mata ng Pilipino.
  • 4. LALAGYAN O IMBAKAN - ang wika ay hulugan, taguan, imbakan, o deposito ng kaalaman ng isang bansa.
  • 5. TAGAPAGSIWALAT NG DAMDAMIN - ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng nararamdaman. Maaari itong pagibig, pagkagalit o pagkapoot.
  • 6. GINAGAMIT SA IMAHINATIBONG PAGSULAT - ginagamit ang wika sa paglikha ng mga tula, kuwento, at iba pang akdang pampanitikan na nangangailangan ng malikhaing imahinasyon.