Cards (8)

    1. Pormal - ginagamit ng nakararami; pamayanan, bansa, o isang lugar; madalas gamitin sa paaralan at opisina
  • Impormal/di-pormal
    Ito ang mga salitang karaniwan, palasak, pang-araw-araw na madalas gamitin sa pakikipag usap
  • Wikang pambansa
    Wikanh ginagamit sa pamahalaan at aklat pangwika sa paaralan, wikang panturo, ginagamit sa buong bansa.
  • Wikang pampanitikan
    Pinakamataas na antas ng wika, ito ang mga salitang gamitin ng mga manunulat sa pagsulat ng kanilang mga akdang pampanitikan. Mga salitang matatayog, malalalim, makulay at masining.
  • Wikang panteknikal
    Mga salitang ginagamit sa agham at matematika hindi inasalin sapagkat lalong hindi mauunawaan ang mg konsepto.
  • Balbal
    Tinatawag sa ingles na islang. Mababang antas ng wika ngunit pinkadenamiko sa lahat. Ito ay nagbabago sa pagusad ng panahon, salitang kalye.
  • Kolokyal
    Ito ay pangaraw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong impormal. Ito ay pinaikling salita.
  • Panlalawiganin/lalawiganin
    Ito ang mga bokabularyong diyalektal. Gamitin ang mga ito sa partikular na pook o lalawiganin lamang. Salitang diyalektal, magkakaiba sa tono at kahulugan