Sa mga wika sa Pilipinas , kahit bago pa man dumating ang mga mananakop, ang maituturing na pinakamaunlad at nag-angkin ng pinalamayang panitikan ay ang tagalog. Ayon sa Paring Heswita Na si Padre Chirino ,sa Tagalog niya nakita ang mga katangian ng apat na pinakadakilang wika ng daigdig: ang wika at hirap ng Ebreo, ang pagiging natatangi ng salita ng Griyego lalo na sa mga pangngalang pantangi, ang pagiging buo ng kahulugan at pagkaelegante ng Latin at ang pagiging sibilisado at magalang ng espanyol ( San Juan 1974).