FILLLLLLL

Cards (28)

  • Ano ang ibig sabihin ng akademikong sulatin?
    Isang uri ng pagsulat na ginagamit sa mga akademikong larangan at institusyon.
  • Ano ang layunin ng akademikong sulatin?
    Magpahayag ng kaalaman, magturo, maglahad ng mga argumento, at magbigay ng impormasyon batay sa pananaliksik at kritikal na pagsusuri.
  • Ano ang karaniwang katangian ng mga akademikong sulatin?
    Karaniwang pormal, may estruktura, at sumusunod sa mga pamantayan at patakaran ng akademya.
  • Ano ang kahulugan ng "wika" sa konteksto ng akademikong sulatin?
    Ginagamit sa pakikipagtalastasan, pagbibigay impormasyon, at iba pa.
  • Ano ang ibig sabihin ng "paksa" sa isang sulatin?
    Tumutukoy sa diwa o ideya na binibigyang pokus o atensyon ng may akda.
  • Ano ang layunin ng "layunin" sa isang akademikong sulatin?
    Gustong makuha o makamit na aral o mensahe na ipararating sa mga mambabasa.
  • Ano ang mga pamaraan ng pagsulat?
    1. Paraang Impormatibo: Nagbibigay ng impormasyon o nagtuturo ng kaalaman.
    2. Paraang Ekspresibo: Nagpapakita ng damdamin o personal na opinyon.
    3. Pamamaraang Naratibo: Nagkukuwento ng mga pangyayari o karanasan.
    4. Pamamaraang Dekriptibo: Naglalarawan ng tao, bagay, lugar, o pangyayari.
    5. Pamamaraang Argumentatibo: Naglalayong manghikayat o magtanggol ng isang paniniwala.
  • Ano ang layunin ng paraang impormatibo?
    Magbigay ng impormasyon o magturo ng kaalaman sa mga mambabasa o tagapakinig.
  • Ano ang layunin ng paraang ekspresibo?

    Ipahayag ang panloob na mundo o emosyon ng isang tao.
  • Ano ang layunin ng pamamaraang naratibo?
    Magbigay ng libangan at maglahad ng kuwento na may simula, gitna, at wakas.
  • Ano ang layunin ng pamamaraang dekriptibo?
    Bigyan ng malinaw na imahe ang mambabasa o tagapakinig tungkol sa paksa.
  • Ano ang pagkakaiba ng subhetibo at obhetibong paglalarawan?
    Ang subhetibo ay nakabatay sa personal na damdamin, habang ang obhetibo ay nakabatay sa mga katotohanan.
  • Ano ang layunin ng pamamaraang argumentatibo?

    Magbigay ng ebidensya at mga lohikal na paliwanag upang suportahan ang ipinaglalaban na paksa.
  • Ano ang mga kasanayang pampag-iisip na kailangan sa pagsulat?
    • Kritikal na pag-iisip
    • Malalim na analisa
    • Pagsusuri ng datos (obhetibo)
  • Ano ang layunin ng teknikal na pagsulat?
    Pag-aralan ang isang proyekto o bumuo ng pag-aaral para lutasin ang isang problema sa isang tiyak na disiplina.
  • Ano ang layunin ng reperensyal na pagsulat?
    Bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman at mairekomenda ang mga sanggunian.
  • Ano ang dyornalistik na pagsulat?
    May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa pamamahayag.
  • Ano ang layunin ng akademikong pagsulat ayon kay Carmelita Alejo et.al?

    Ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
  • Ano ang layunin ng malikhaing pagsulat?
    Maghatid ng aliw, mapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon ng mga mambabasa.
  • Ano ang layunin ng propesyonal na pagsulat?
    May kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan.
  • Ano ang mga katangian ng pagsulat?
    • Makatotohanan ang mga datos
    • Malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat
  • Ano ang kahulugan ng pagsulat ayon kay Sauco et al. (1998)?

    Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon.
  • Ano ang kahulugan ng pagsusulat ayon kay Cecilia Austera et al. (2009)?

    Isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
  • Ano ang naitutulong ng pagsulat ayon kay Royo sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga, Jr.?

    Malaki ang naitutulong ng pagsulat sa paghuhubog ng damdamin at isipan ng tao.
  • Ano ang layunin ng pagsasagawa ng pagsulat ayon kay Mabilin?
    Maaaring mahati sa dalawang bahagi: personal o ekspresibo at panlipunan o sosyal.
  • Ano ang kahalagahan ng pagsulat?
    • Kahalagahang Pangterapyutika: Para mailabas ang nasa kalooban.
    • Kahalagahang Pangsosyal: Upang mapanatili ang relasyon sa ibang tao.
    • Kahalagahang Pang-ekonomiya: Kailangan para sa kabuhayan.
    • Kahalagahang Pangkasaysayan: Mahalaga sa pagresarba ng kasaysayan.
  • Ano ang mga uri ng pagsulat batay sa layunin?
    1. Paglalahad: Nagbibigay-linaw sa mga pangyayari.
    2. Pagsasalaysay: Nakapokus sa kronolohikal na daloy ng mga pangyayari.
    3. Pangangatwiran: Ipinapahayag ang katwiran o opinyon sa isang isyu.
  • Ano ang mga elemento ng tekstong impormatibo?
    Layunin ng may akda, pangunahing ideya, pantulong na kaisipan, estilo ng pagsulat, kagamitan, at sanggunian.