KOMPAN QUIZ BEE

Subdecks (7)

Cards (167)

  • Sino ang ama ng Wikang Pambansa?
    Manuel L. Quezon
  • Ano ang buong pangalan ni Manuel L. Quezon?
    Manuel Luis Quezón y Molina
  • Sino ang ama ng balarilang Tagalog?
    Lope K. Santos
  • Ano ang ABAKADA at sino ang bumuo nito?
    Ang ABAKADA ay binuo ni Lope K. Santos at isinulat niya ito sa aklat na Balarila noong 1971.
  • Anong taon naganap ang pagbuo ng pagkakaroon ng isang pambansang wika para sa Pilipinas?
    1935
  • Ano ang naiproklamang pambansang wika noong taon na unang nabuo ang pagkakaroon ng isang pambansang wika?
    Tagalog
  • Sa pamamagitan ng anong batas opisyal na idineklara ang Wikang Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas?
    Saligang Batas ng 1987
  • Sinong pangulo ang unang nagdeklara ng paggunita at pagdiriwang ng Linggo ng Wika?
    Pangulong Sergio Osmeña
  • Sinong pangulo ang nagdeklara ng pagdiriwang ng Wikang Filipino para sa buong buwan ng Agosto?
    Pangulong Fidel Ramos
  • Ano ang pangunahing layunin ng Surian ng Wikang Pambansa noong panahong ni Manuel L. Quezon?

    Piliin ang katutubong wika na magiging wikang pambansa ng Pilipinas.
  • Ano ang batas na nagsasaad na ang wikang pambansa ng Pilipinas ay ang Wikang Filipino?
    Saligang Batas ng 1987
  • Sino ang unang nagdeklara ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika?
    Si Pangulong Sergio Osmeña
  • Anong mga petsa ang ginugunita ang Linggo ng Wika mula 1946 hanggang 1954?
    Mula ika-27 ng Marso hanggang ika-2 ng Abril
  • Alinsunod sa anong proklamasyon ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula 1946 hanggang 1954?
    Proklamasyon Bilang 35
  • Bakit pinili ang Abril 2 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika?
    Dahil ito ang kaarawan ni Francisco Balagtas
  • Kailan iniusog ni Pangulong Ramon Magsaysay ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika?
    Noong 1954
  • Anong mga petsa ang itinakda ni Pangulong Magsaysay para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika noong 1954?
    Ika-29 ng Marso hanggang ika-4 ng Abril
  • Anong taon inilipat ni Pangulong Magsaysay ang selebrasyon sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto?

    Noong 1955
  • Alinsunod sa anong proklamasyon inilipat ni Pangulong Magsaysay ang selebrasyon sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto?
    Proklamasyon Bilang 186
  • Anong taon pinirmahan ni Pangulong Corazon Aquino ang Proklamasyon Bilang 19?
    Noong 1988
  • Anong mga petsa ang itinakda sa Proklamasyon Bilang 19 para sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika?
    Agosto 13-19
  • Anong taon idineklara ni Pangulong Fidel Ramos na ang selebrasyon ng Wikang Filipino ay magaganap na sa buong buwan ng Agosto?
    Noong 1997
  • Alinsunod sa anong proklamasyon idineklara ni Pangulong Fidel Ramos ang buong buwan ng Agosto para sa selebrasyon ng Wikang Filipino?
    Proklamasyon Bilang 1041