Dumating ang mga Amerikano sa pamumuno ni Almirante Dewey pagkatapos ng mga kolonyalistang Espanyol.
Nabago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas sapagkat nadagdag ang wikang Ingles.
Sa panahong ito ginagamit ang wikang Ingles na panturo at pantalastasan.
Komisyong Schurman
Nirekomenda na Ingles ang wikang panturo.
Jacob Schurman
Naniniwala na kailangan ang Ingles sa primaryang edukasyon.
Ang Komisyong Schurman ay pinangunahan ni Jacob Schurman.
Batas Blg. 74 (Marso 21, 1901)
Naitatag na wikang Ingles ang wikang panturo.
Thomasites
Tawag sa mga sundalong unang naging guro.
Hindi naging madali para sa mga nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles, at hindi nila maiwasan ang paggamit ng bernakular o sinusong wika sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag-aaral. Dahil dito…
Inirekomenda na ipagamit ang bernakular na wika bilang wikang panturo.
Nailimbag ang mga librong pamprimarya: Ingles-Ilokano, Ingles-Tagalog, Ingles-Bisaya, Ingles-Bikol, atbp.
George Butte (1931)
Ayon sa kaniya, hindi kailanman magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika ng tahanan.
Sumang-ayon sa kaniya sina Jorge Bacobo at Maximo Kalaw.
Jorge Bacobo
Isang Pilipinong manunulat ng wikang Ingles.
Maximo Kalaw
Dekano (dean) sa Pambansang Sistema ng Edukasyon sa Lanahom ng Amerikano at Pinuno ng Kagawaran ng Agham Pampolitika.
Kawanihan ng Pambayang Paaralan - nararapat na Ingles ang ituro sapagkat…
Ang pagtuturo ng bernakular sa mga paaralan ay magre-resulta lamang sa suliraning administratibo.
Ang paggamit ng iba’t-ibang bernakular sa pagtuturo ay magdudulot lamang ng rehiyonalismo sa halip na nasyonalismo.
Hindi magandang pakinggan ang magkahalong wikang Ingles at bernakular o sinusong wika.
Ingles ang nakikitang pag-asa upang magkaroon ng pambansang pagkakaisa.
Katwiran ng mga nagtataguyod ng paggamit ng bernakular ay ang sumusunod…
Walumpung porsiyento ng mag-aaral ang nakaaanot ng hanggang ikalimang grado lamang.
Kung bernakular o sinusong wika ang gagamiting panturo, magiging epektibo ang pagtuturo sa primarya.
Nararapat lamang na wikang Filipino ang linangin sapagkat ito ang wikang nakasanayan sa Pilipinas.
Hindi magiging maunlad ang pamamaraang panturo kung Ingles ang gagamitin.
Katwiran ng mga nagtataguyod ng paggamit ng bernakular ay ang sumusunod…
Ang paglinang ng wikang Ingles bilang wikang pambansa ay hindi nagpapakita ng nasyonalismo.
Walang kakayahang makasulat ng klasiko sa wikang Ingles ang mga Pilipino.
Hindi na nangangailangan ng mga kagamitang panturo upang magamit ang bernakular o sinusong wika, kailangan lamang na ito ay pasiglahin.
Alinsunod sa layuning maitaguyod ang wikang Ingles, ang sumusunod na alituntunin ay dapat sundin…
Paghahanap ng mga gurong Amerikano lamang.
Pagsasanay sa mga Pilipinong maaring magturo ng Ingles at iba pang aralin.
Pagbibigay ng malaking tuon sa asignaturang Ingles sa kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon.
Pagbabawal sa paggamit ng bernakular sa loob ng paaralan.
Pagsalin ng teksbuk (textbook) sa wikang Ingles.
Paglalathala ng mga pahayagang lokal para magamit sa paaralan.
Pagbabawal at pag-alis ng wikang Espanyol sa mga paaralan.
Lope K. Santos
Ayon sa kaniya, isa sa mga wikang ginagamit ang nararapat maging wikang pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937)
Nag-aatas na Tagalog ang magiging batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang pambansa.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 (1940)
Sinimulang ituro ang Tagalog sa paaralan.
Batas Komonwelt Blg. 570 (1946)
Tagalog ay magiging isa sa mga opisyal na wika sa Pilipinas.