Panahon ng Hapon

Cards (13)

  • Ang Panahon ng Hapon sa Pilipinas ay mula taong 1942 - 1945.
  • Panahon ng Hapon - Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang "GINTONG PANAHON NG PANITIKANG PILIPINO" dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
  • Dito din ang panahon na natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan dahil ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles.
  • Nang lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon noong 1942, nabuo 
    ang isang grupong tinatawag na “purista”.
    Purista- Ito ay isang grupo na nagnanais na gawing Tagalog na mismo ang maging wikang pambansa at hindi na batayan lamang.
  • Ayon kay Prof. Leopoldo Yabes, ang pangangasiwa ng Hapon ang nag-utos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing Tagalog ang pambansang wika.
  • Layunin ng mga Hapon na burahin sa mga Pilipino ang anumang kaisipang pang-Amerika at mawala ang impluwensya ng mga ito kaya Tagalog ang kanilang itinaguyod. Ipinag bawal ang paggamit ng wikang Ingles, maging ang pag gamit ng mga aklat at peryodiko na may kinalaman o tungkol sa Amerika.
  • EXECUTIVE ORDER No. 10;
    • Inilathala ni Pang. Jose P. Laurel noong 1943.
    • Isinaad ang pagtuturo ng TAGALOG sa lahat ng mga paaralang elementarya (publiko's pribado)
    • Pagsasanay ng mga guro sa wikang TAGALOG.
    • Ipinakilala bilang asignatura ang pagaaral ng wikang TAGALOG sa kurikulum ng mga paaralan.
  • EXECUTIVE ORDER No. 44;
    • Inilathala ni Pang. Jose P. Laurel noong 1943.
    • Isinatupad ang restorasyon ng Unibersidad ng Pilipinas na naatasang payabungin ang Wikang Pambansa at itaguyod ang diwang nasyonalismo.
  • ORDINANSA MILITAR BLG. 13;
    • Ipinasa noong ika- 24 ng HULYO, 1942. Ito'y nagsasaad na ang NIPONGGO at TAGALOG ang siyang opisyal na mga wika.
  • GOBYERNO MILITAR - Nagturo ng Niponggo sa mga guro ng mga pambayang paaralan upang ito ang gamiting medium sa pagtuturo
    niponggo = luma
    nihonggo = bago
  • SURIAN NG WIKANG PAMBANSA
    • Muling binuhay noong ika-14 ng OKTUBRE, 1942
    • Naglayong ipalaganap ng wikang PILIPINO sa buong bansa, pati na rin sa mga Hapon dayuhan.
  • MASAO TANAKA - Inilathala ang mga impormatibo upang sagutin ang mga katanungan ng publiko ukol sa usaping Wikang Pambansa.
  • JOSE PANGANIBAN - Nagturo ng Tagalog sa mga Hapon at di- Tagalog