Nagtatakda na ang pambansang wika (Tagalog) ay magiging opisyal na wika simula Hulyo 4, 1940.
Linggo ng Wikang Pambansa (Marso 26, 1954)
Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagtatakda ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4, upang gunitain ang Araw ni Balagtas (Abril 2) (Ama ng Balagtasan)
Paglipat ng Linggo ng Wikang Pambansa (Setyembre 23, 1955)
Sa pamamagitan ng Proklama Blg. 186, inilipat ni Pangulong Magsaysay ang pagdiriwang mula Agosto 13 hanggang 19, upang tumapat sa kaarawan ni Manuel Quezon, ang "Ama ng Wikang Pambansa."
Pagbabago ng Katawagan ng Wikang Pambansa (Agosto 13, 1959)
Inilabas ni Kalihim Jose F. Romero ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang gamitin ang katawagang "Pilipino" bilang pagtukoy sa Wikang Pambansa.
Pangalan ng mga Gusali at Opisina ng Pamahalaan (Oktubre 24, 1967)
Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipisyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat pangalanan sa Pilipino.
Wikang Pambansa sa Letterhead ng Gobyerno (Marso 27, 1968)
Sa Memorandum Sirkular Blg. 172, ipinag-utos ni Kalihim Rafael M. Salas na ang lahat ng letterhead ng mga tanggapan ng gobyerno ay dapat nakasulat sa Pilipino.
Pagsasama ng Wikang Pilipino sa Kurikulum (Hulyo 21, 1978)
Nilagdaan ni Ministro Juan L. Manuel ang Kautusang Pangministri Blg. 22 na nag-uutos na isama ang Pilipino sa lahat ng kurikulum ng mga kolehiyo at unibersidad.
Bagong Konstitusyon ng Pilipinas (Pebrero 2, 1987)
Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 6-7 ng 1987 Konstitusyon, ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay "Filipino." Ang Filipino at Ingles ang mga opisyal na wika ng bansa.
Paggamit ng Filipino bilang Wikang Panturo (1987)
Ipinasa ni Kalihim Lourdes R. Quisumbing ang Kautusan Blg. 52 na nag-uutos na gamitin ang Filipino bilang wikang panturo sa lahat ng antas ng edukasyon, kaalinsabay ng Ingles
Memorandum Blg. 59 ng CHED (1996)
Itinakda ng Commission on Higher Education (CHED) ang siyam na yunit sa Filipino bilang pangangailangan sa pangkalahatang edukasyon, kasama ang pagbabago sa mga kurso sa Filipino 1, 2, at 3.
Buwan ng Wikang Filipino (Hulyo 1997)
Nilagdaan ni Pangulong Fidel V. Ramos ang Proklama Blg. 1041 na nagtatakda ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Filipino, na nag-uutos sa iba't ibang tanggapan ng pamahalaan at paaralan na magsagawa ng mga gawain para sa pagdiriwang na ito.
Tagalog: Orihinal na katutubong wika na naging batayan ng pambansang wika noong 1935.
Pilipino: Unang naging opisyal na pangalan ng pambansang wika noong 1959.
Filipino: Kasalukuyang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas at isa sa mga opisyal na wika kasama ang Ingles (mula 1987).
Enero30, 1987 Nagpalabas ng kautusang Tagapagpaganap Blg. 112 ang Pangulong Corazon Aquino, ipinailalim ang Surian ng Wikang Pambansa sa Kagawaran ng Edukasyon. Kultura, at Isports.
Marso 19, 1990 - Kautusang Pangkagawaran Blg. 21, pinalabas ni Kalihim Isidro Cariño na gamitin ang Filipino sa pagbigkas ng panunumpa sa katapatan.
Agosto 14, 1991 Republic Act Blg. 7104 - nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino. Ang Komisyon ay binubuo ng labing-isang (11) komisyoner na kumakatawan sa mga pangunahing wika at mga kaugnay na larang ng pag-aaral sa Filipinas, at pinangungunahan ng isang punong komisyoner
Madalas na nagagamit na salita ng mga kabataan o sa henerasyon ngayon ay mga salitang balbal o dipormal na salita
Wikang Opisyal - Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
Ayon kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.