KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

Subdecks (3)

Cards (42)

  • ANO ANG WIKA?
    Ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
    arbitraryo upang magamit sa pakikipagtalastasan ng mga taong nasa iisang kultura. (Gleason,
    1961)
  • KATANGIAN NG WIKA
    1. Masistemang balangkas - Ang wika ay may maayos na balangkas at pagkakasunod-sunod.
  • KATANGIAN NG WIKA
    3. Arbitraryo - Ang wika ay kailangang napagkasunduan ng mga tao.
  • KATANGIAN NG WIKA
    4. Magamit- dito nakasalalay ang pagkabuhay at pananatili ng isang wika.
  • KATANGIAN NG WIKA
    5. Dinamiko- dahil patuloy na nagagamit ang wika, ito ay patuloy na nagbabago.
  • KATANGIAN NG WIKA
    6. Patuloy na nalilinang- -dahil ginagamit ang wika, asahan na sa paglipas ng mga taon mas lalo
    pa itong malilinang sa pamamagitan ng panghihiram sa ibang wika.
  • KATANGIAN NG WIKA
    7. Ang wika ay kabuhol ng kultura -ang wika at kultura ay magkaugnay at hindi maaaring
    paghiwalayin.
  • TEORYA NG WIKA
    1. Ayon sa bibliya - Ang Tore ng Babel
  • TEORYA NG WIKA
    2. Ayon sa mga antropologo - Ang kauna-unahang wika ng tao sa daigdig ay kahalintulad sa
    mga hayop.
  • TEORYA NG WIKA
    3. Teoryang bow-wow - Ang wika ng tao ay nagmula sa panggagaya ng tunog mula sa kalikasan.
  • TEORYA NG WIKA
    4. Teoryang pooh-pooh- ang wika ng tao ay nagmula sa hindi sinasadyang pagbulalas ng
    kanilang masisidhing damdamin.
  • TEORYA NG WIKA
    5. Teoryang yo-he-ho- ang wika ng tao ay nagmula sa pwersang pisikal na kayang gawin ng tao
    tulad ng pagbubuhat, o pagtulak ng isang bagay.
  • TEORYA NG WIKA
    6. Teoryang ding-dong- Tunog ng Gamit
  • TEORYA NG WIKA
    7. Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay- Ang wika ng tao ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng
    ritwal na ginaganap ng mga sinaunang tao sa daigdig.
  • TEORYA NG WIKA
    8. Teoryang Coo Coo - Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga
    sanggol.
    • tunog, salita,talata,pangugusap,sugnay,parirala
  • Ayon kay Dell Hymes ang gamit ng wika ay para sa..

    kakayahang gamitin ito sa angkop na sitwasyon tulad ng sino ang kakausapin, bakit nakikipag-
    usap, saan makikipag-usap, paano ang takbo ng usapan, at ano ang paksa ng usapan.
    hindi lamang pakikipagtalastasan at pagbibigay impormasyon, bagkus ito ay para sa
    pagpapanatili ng ugnayan ng mga tao sa isa’t isa.