Memo

Cards (7)

  • Memorandum
    • Ayon kay Prof. Ma. Rovilla Sudprasert (2014), sa kaniyang aklat na English for the Workplace 3, ang memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin o utos.
    • Dito nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting.
    • Ayon kay Dr. Darwin Bargo (2014), ang mga kilala at malalaking kompanya at mga institusyon ay kalimitang gumagamit ng mga colored stationery para sa kanilang mga memo.
  • Puti – ginagamit sa mga pangkalahatang kautusan, direktiba, o impormasyon.
    Pink o Rosas – ginagamit naman para sa request o order na nanggagaling sa purchasing department
    Dilaw o Luntian – ginagamit naman para sa mga memo na nanggagaling sa marketing at accounting department
  • Ayon kay Bargo (2014), may tatlong uri ng memorandum ayon sa layunin nito:
     
    1. Memorandum para sa kahilingan
    2. Memorandum para sa kabatiran
    3. Memorandum para sa pagtugon
  • Agenda o Adyenda
    • Ayon kay Sudprasert (2014), ito ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong.
    • Isa ito sa mga susi upang magkaroon ng matagumpay na pulong.
  • Katitikan ng Pulong
    • Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitatala ang mga napag-usapan o napagkasunduan.
    • Ito ang opisyal na tala ng isang pulong.
    • Ito ay nagsisilbing opisyal at legal na kasulatan ng samahan, kompanya o organisasyong maaaring magamit bilang prima facie evidence sa mga legal na usapin.
  • 8 MAHAHALAGANG BAHAGI NG KATITIKAN NG PULONG:
    • Heading
    • Mga Kalahok o dumalo
    • Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong
    • Action items o usaping napagkasunduan
    • Pabalita o patalastas
    • Iskedyul ng susunod na pulong
    • Pagtatapos
    • Lagda
  • Mga uri o estilo ng katitikan:
    1. Ulat ng katitikan
    2. Salaysay ng katitikan
    3. Resolusyon ng katitikan