Ito ay nagbibigay ng tiyak na kahulugan o mas tinatawag na literal o totoong kahulugan ng isang salita.
Ito ay tawag sa kahulugang hinango sa diksyunaryo na ginagamit sa pinakasimpleng pahayag o tinatawag na diksyunaryong pagpapakahulugan.
Ito ay nagtataglay o nagpapahiwatig ng neutral o obhetibong kahulugan ng mga termino.
Konotatibo/Konotasyon
Tumutukoy isa sa ekstrang kahulugang taglay ng isang salita depende sa intensyon o motibo ng taong gumagamit nito.
Pagpapakahulugan sa mga salita, parilala o pangungusap na hindi tuwiran.Ito ay tumutukoy sa iba’t ibang kahulugan na ibinibigay sa salita depende sa intensiyon (agenda).
Maaaring magtaglay ng pahiwatig na emosyon na umaangkop sa gamit ng isang pahayag at pag-iba-iba ayon sa saloobin, karanasan at sitwasyon ng isang tao.
"Nakasandal sa pader si Mario habang nag-aagaw-buhay dulot ng balang tumama sa dibdib". Mula sa pahayag, paano binigyang kahulugan o interpretasyon ang salitang "nag-aagaw-buhay"?
malapit nang mamatay
miserable ang buhay
maraming unos ang buhay
nasa maayos na kondisyon
Sagot: malapit nang mamatay
"Puno ng apoy ang emosyon ni Ana mula nang kaniyang nalaman na may sumira ng kanilang hardin". Mula sa pahayag, paano binigyang-kahulugan o interpretasyon ang salitang "apoy"?
tahimik
saya
lungkot
galit
Sagot: Galit
Aling pangungusap ang nagpapakita ng konotasyong kahulugan ng salitang ilaw?
Ang ilaw ng kaniyang ngiti ay nagbigay liwanag sa aking madilim na araw.
Bumili ako ng ilaw para sa aking kwarto.
Ang ilaw na nasa kisame ay kwarto.
Pinalitan ko ang bumbilya ng ilaw sa sala.
Sagot: Ang ilaw ng kaniyang ngiti ay nagbigay liwanag sa aking madilim na araw.
Denotatibo at Konotatibo gamit ang salitang "tubig".
Denotatibo:
Si Jaehyun ay umiinon ng tubig araw-araw.
Likido na iniinom araw-araw.
Konotatibo:
Sa gitna ng aking mga problema, si Riwoo ang aking pahinga at tubig sa aking buhay, na nagbibigay saya at kapayapaan sa aking isip.