FILIPINO

Cards (73)

  • Ano ang kahulugan ng abstrak?
    Ang abstrak ay maikling lagom ng isang pananaliksik, tesis, rebyu, o daloy ng kumperensiya.
  • Paano nakatutulong ang abstrak sa mga mambabasa?
    Pinadadali nito ang pagtukoy ng layunin ng pag-aaral.
  • Saan matatagpuan ang abstrak sa isang manuskrito?
    Matatagpuan ito sa unang bahagi ng manuskrito.
  • Ano ang pinagmulan ng salitang "abstrak" ayon sa The American Heritage® Dictionary?
    Ang salitang "abstrak" ay mula sa salitang Latin na "abstrahere" na nangangahulugang "to draw away" o "extract from."
  • Ano ang layunin ng pagsulat ng abstrak?
    Ang layunin ng pagsulat ng abstrak ay upang tumugon sa isang namamayaning sulatin.
  • Ano ang nilalaman ng abstrak ayon kay Constantino at Zafra?

    Inilalahad ng abstrak ang masalimuot na datos sa pananaliksik at mga pangunahing metodolohiya at resulta.
  • Ano ang mga bahagi ng sulating akademiko na tinataglay ng abstrak?

    Ang abstrak ay naglalaman ng introduksiyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta, at kongklusyon.
  • Ano ang mga katangian ng sulating abstrak ayon kina Villanueva at Bandril?

    • Ang haba ng abstrak ay nagbabago ayon sa disiplina at kahingian ng palimbagan.
    • Ang haba ay mula 100 hanggang 500 salita.
    • Gumagamit ito ng wikang nauunawaan ng lahat.
    • Naglalaman ito ng apat na mahalagang elemento: tuon ng pananaliksik, metodolohiya, resulta, at pangunahing kongklusyon.
    • Nagsisilbing gabay ng mambabasa sa mabilis na pag-unawa.
    • Lohikal ang pagkakaayos at may kaugnayan sa mga bahagi ng pag-aaral.
  • Ano ang haba ng abstrak ayon sa mga katangian nito?
    Ang haba ng abstrak ay mula 100 hanggang 500 salita.
  • Ano ang apat na mahalagang elemento ng natapos na gawain na nakapaloob sa abstrak?
    Ang tuon ng pananaliksik, metodolohiya, resulta, at pangunahing kongklusyon at mga rekomendasyon.
  • Ano ang pagkakaiba ng nirestrukturang abstrak at di-nirestrukturang abstrak?
    Ang nirestrukturang abstrak ay lohikal ang pagkakaayos, habang ang di-nirestrukturang abstrak ay binubuo ng isang talata na walang kaugnay na paksa.
  • Ano ang mga layunin at gamit ng pagsulat ng abstrak ayon sa University of Melbourne?
    • Pamimili: Nagsisilbing gabay ng mambabasa sa paghahanap ng kinakailangang datos.
    • Kakayahang Magsuri: Nagtuturo sa mga mananaliksik na maging maingat sa pagkuha ng impormasyon.
    • Indexing: Tumutulong sa mabilis na paghahanap ng papel sa archives.
    • Pangangailangang Akademiko: Nagiging pangangailangan sa pagsusuri at pagsulat ng mga pamanahong papel.
    • Publikasyon: Nagsisilbing kasangkapan ng mga propesyonal sa pagpapalawak ng kasanayan sa pananaliksik.
  • Ano ang nilalaman ng abstrak ayon sa Philnews.ph?

    Ang abstrak ay lagom ng isang akademikong papel o pag-aaral.
  • Ano ang layunin ng abstrak ayon sa The University of Adelaide?

    Ang layunin ng abstrak ay pagpapaikli ng nilalaman ng isang mahabang pag-aaral.
  • Ano ang mga katangian ng abstrak ayon sa AMA OED?

    • Nagpapakita ng pagiging payak ng isang pag-aaral.
    • Obhetibong pananaw ng mananaliksik.
    • Nagbibigay ng tiyak na ideya sa ginawang pananaliksik.
    • Naglalarawan ng nilalaman ng pag-aaral sa pamamagitan ng mga pangunahing ideya.
    • May kaisahan at kaugnayan ang bawat bahagi.
  • Bakit mahalaga ang pagsulat ng abstrak?
    Ang pagsulat ng abstrak ay nagsisilbing buod ng pag-aaral ng isang mananaliksik.
  • Ano ang mga uri ng abstrak ayon sa Writing Center: University of Carolina at Chapel Hill?
    1. Palarawan o Deskriptibong Abstrak:
    • Naglalarawan ng mga pangunahing ideya ng pananaliksik.
    • Hindi isinasama ang resulta, pamamaraan, at kongklusyon.

    1. Pangkaalaman o Impormatibong Abstrak:
    • Nakapaloob ang mahahalagang ideya o datos mula sa kabuuang pag-aaral.
    • Inilalahad ang paksa, layunin, kaligiran, metodolohiya, kinalabasan, at kongklusyon.
  • Ano ang pagkakaiba ng deskriptibong abstrak at impormatibong abstrak?
    Ang deskriptibong abstrak ay naglalarawan ng mga pangunahing ideya, habang ang impormatibong abstrak ay naglalaman ng mahahalagang ideya o datos mula sa kabuuang pag-aaral.
  • Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng abstrak?
    1. Unang Hakbang: Isulat muna ang Papel-Pananaliksik.
    2. Ikalawang Hakbang: Isaayos ang Pagkakasunod-sunod ng Bahagi ng Abstrak.
  • Bakit dapat isulat ang abstrak sa huli?
    Dapat isulat ang abstrak sa huli upang matiyak na naisaayos at naisapinal ang binuong pananaliksik.
  • Ano ang haba ng abstrak ayon sa APA Style Manual?
    Ang haba ng abstrak ay 150 hanggang 250 na salita.
  • Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng abstrak?
    Mahalagang isaalang-alang ang pagkakasunod-sunod ng bahagi ng abstrak na tulad ng sa Papel-Pananaliksik.
  • Ano ang dapat gawin sa nilalaman ng pananaliksik bago isulat ang abstrak?
    Tiyakin na nairebisa na o naalis na ang nilalaman na hindi angkop sa pananaliksik.
  • Ano ang dapat na anyo ng abstrak ayon sa APA Style Manual?
    Ang abstrak ay isinusulat nang isang talata lamang at walang indensyon.
  • Ano ang dapat na pagkakasunod-sunod ng bahagi ng abstrak?
    Ang pagkakasunod-sunod ng bahagi ng abstrak ay dapat katulad ng sa Papel-Pananaliksik.
  • Ano ang dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng mga pinagkunang babasahin?
    Kailangan ng simpleng pagsusuri sa mga pinagkunang babasahin upang makalikha ng argumento.
  • Ano ang layunin ng simpleng pagsusuri sa mga pinagkunang babasahin?
    Ang layunin ay makalikha ng argumento batay sa iyong nabasa.
  • Ano ang unang hakbang sa pagsulat ng papel-pananaliksik?

    Isulat muna ang Papel-Pananaliksik
  • Bakit dapat isulat ang abstrak sa huli?
    Dahil ang abstrak ay nagmumula sa kabuuang pananaliksik na naisaayos at naisapinal na.
  • Ano ang dapat tiyakin bago isulat ang abstrak?

    Na naisaayos at naisapinal muna ang binuong pananaliksik.
  • Ano ang dapat na alisin sa nilalaman ng pananaliksik bago isulat ang abstrak?

    Ang nilalaman na hindi angkop sa pananaliksik.
  • Ano ang haba ng abstrak ayon sa APA Style Manual?
    150 hanggang 250 na salita.
  • Paano dapat isulat ang abstrak?
    Sa isang talata lamang at walang indensyon.
  • Ano ang mga bahagi na dapat isama sa abstrak kung ang pananaliksik ay mas detalyado?
    • Ang Suliranin at ang Dahilan ng Pagsisiyasat Nito
    • Metodolohiya o Hakbang na Isinagawa
    • Resulta o Natuklasan
    • Kongklusyon at Implikasyon
  • Ano ang mga hakbang sa pagbuo ng burador ng abstrak ayon kay Koopman (1997)?

    1. Tukuyin ang dahilan sa pagsulat ng abstrak. 2. Itala ang suliranin. 3. Ilahad ang metodolohiya. 4. Ipakita ang resulta. 5. Isaad ang mga implikasyon.
  • Bakit mahalagang maipabasa ang abstrak sa iba?

    Upang matulungan ka sa mga posibleng pagkakamali o mga nilalaman na nararapat ayusin.
  • Ano ang ikalimang hakbang sa pagsulat ng abstrak?
    Rebisahin ang isinulat na abstrak.
  • Ano ang kahulugan ng sintesis sa salitang Griyego?

    • Syntithenai
    • Binubuo ng -syn (kasama) at -tithenai (ilagay)
    • Nangangahulugang sama-samang ilagay
  • Ano ang layunin ng sintesis sa larangan ng pagsulat?
    Upang mapagsama-sama at mapag-isa ang magkakaugnay na datos mula sa iba’t ibang sanggunian tungo sa isang malinaw na kabuuan.
  • Ano ang mga katangian ng sintesis bilang isang akademikong sulatin?
    • Pagsasama ng dalawa o higit pang buod
    • Paggawa ng koneksiyon sa pagitan ng dalawa o higit pang mga akda
    • Pagsasama ng iba’t ibang akda upang makabuo ng isang akdang may malinaw na ugnayan ng mga ideya