Aksiyon - Uri ng pandiwa na nagsasabing may aksiyon ang pandiwa.
Masasabing may aksiyon ang pandiwa kung ito ay may aktorotagaganap.
Naglakbay si Epimetheus patungo sa tahanan ng mga Diyos.
Aksiyon: Naglakbay
Aktor: Epimetheus
Sumalungat si Pandora sa kagustuhan ni Epimetheus na huwag buksan ang kahon.
Aksiyon: Sumalungat
Aktor: Pandora
Karanasan - Kapag may damdamin ang pandiwa.
Karanasan - nangunguhulugang may nakadarama o nakaranas ng damdamin.
Nalungkot si Pandora sa sinapit ng mundo.
Karanasan: Nalungkot
Aktor: Pandora
Nagalit ang lahat nang mabalitaan ang nangyari.
Karanasan: Nagalit
Aktor: Lahat
Pangyayari - Ang pandiwa ay resulta ng isang pangyayari.
Nalunod ang mga tao sa matinding pagbaha.
Pandiwa: Nalunod
Aktor: Mga Tao
Pangyayari: Matinding Pagbaha
Kumulo ang dugo ni Epimetheus sa muling pakikiharap kay Pandora.
Pandiwa: Kumulo
Aktor: Dugo ni Epimetheus
Pangyayari: Pakikiharap kay Pandora
Pandiwa - Salitang nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
Pandiwa - Nakikilala sa pamamagitan ng mga impleksiyon nito sa iba't ibang aspekto ayon sa uri ng kilos ja isinasaad nito.
Uri ng Pandiwa
Palipat
Katawanin
Palipat - Uri ng pandiwa kung saan may tuwirang layong tumatanggap sa kilos.
Layon - Karaniwang kasunod ng pandiwa at pinangungunahan ng mga katagang ng, ng mga, sa mga, kay, o kina.
Katawanin - Uri ng pandiwa kapag hindi na ito nangangailangan ng tuwirang layong tatanggap ng kilos, at nakakatayo na itong mag-isa.
Si Pymaglion ay lumilok ng estatwa.
Pandiwa: Lumilok
Uri ng Pandiwa: Palipat
Katawanin - Pandiwang naglalahad lamang ng kilos, gawain, o pangyayari.
Nabuhay si Galatea.
Pandiwa: Nabuhay
Uri ng Pandiwa: Katawanin
Umuulan!
Pandiwa: Umuulan!
Uri ng Pandiwa: Katawanin
Lumilindol!
Pandiwa: Lumilindol!
Uri ng Pandiwa: Katawanin
Pokus ngPandiwa - Tawag sa relasyong pansematika ng pandiwaa sa simuno o paksa ng pangungusap.
Pansematika - Pandiwa na nagpapakilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.
Instruktural - Pandiwa na nakikilala sa pamamagitan ng mga impleksiyon nito sa iba't ibang uri ng aspekto ayon sa uri ng kilos na isinasaad nito.
Pokus ng Pandiwa - Nakikita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.
Pitong Pokus ng Pandiwa
PokusTagaganap o Aktor
PokussaLayon o Gol
PokussaTagatanggap o Benepaktib
PokussaGanapan o Lokatib
PokussaKagamitan o Instrumental
PokussaSanhi o Kosatib
PokussaDireksyunal
Pokus Tagaganap o Aktor - Ang paksa ng pangungusap ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng Pandiwa.
Pokus sa Layon o Gol - Kung ang layon ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap.
Pokus sa Tagatangap o Benepaktib - Ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang simuno sa pangungusap.
Simuno - Ito ang tawag sa paksa o pinag-uusapan.
Panaguri - Ito ang tawag sa naglalarawan sa simuno o sa paksa.
Pokus sa Ganapan o Lokatib - Kung ang paksa ay lugar o ganapang kilos.
Pokus sa Kagamitan o Instrumental - Nagsasaad na ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa ay siyang simuno ng pangungusap.
Pokus sa Sanhi o Kosatib - Ang paksa at nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos.
Pokus sa Direksyonal - Ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
Pinagtatamnan ng gulay ng aming katulong ang bakuran.
Pokus: Pokus sa Ganapan o Lokatib
Paksa o Simuno: Bakuran
Pinagpasyalan ko ng aking mga panauhing kabilang sa Peace Coorps ang Tagaytay.