Bagaman lubos naimpluwensiyahan ng Espanyol ang mga wikang katutubo sa Filipinas, hindi isinama sa abakada ang mga letrang C, CH, F, J, LL, Ñ, Q, RR, V, X, at Z. Ang mga letrang ito ay nanatili lamang sa mga pangngalang pantangi, tulad ng Carmen at Quirino. Samantala, ang mga salitang hiram sa Espanyol na may naturang mga titik ay tinapatan ng tunog na naaayon sa abakada.