Kasaysayan ng Daigdig [Q1]

Cards (23)

  • Tinatawag na longitude ang distansiyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa kanluran ng Prime Meridian.
  • Tinatawag na latitude ang distansiyang angular sa pagitan ng dalawang parallel patungo sa hilaga o timog ng equator.
  • Ang equator ang humahati sa globo sa hilaga at timog hemisphere o hemisphero. Ito rin ay itinatakda ng zero degree latitude.
  • Ang Tropic of Cancer ang pinaka dulong bahagi ng Northern Hemisphere na direktang sinisikatan ng araw. Makikita ito sa 23.5 degrees halaga ng equator.
  • Ang Tropic of Capricorn ay ang pinaka dulong bahagi ng Southern Hemisphere na direkta 'ring sinisikatan ng araw. Matatagpuan ito sa 23.5 degrees timog ng equator.
  • Kontinente - pinakamalawak na masa ng lupa sa ibabaw ng daigdig.
  • Continental Drift Theory - dati nang magkaugnay ang mga kontinente sa isang super kontinente na Pangaea.
  • Alfred Wegener - isang German na nagsulong ng Continental Drift Theory.
  • Africa - nagmula sa kontinenteng ito ang malaking suplay ng diyamante. Naroon din ang Nile River na pinakamahabang ilog sa buong daigdig, at ang Sahara Desert, pinakamalaking disyerto. Ito ang nagtataglay ng pinakamaraming bansa kung ihahambing sa ibang mga kontinente.
  • Antarctica - ang tanging kontinenteng natatakpan ng yelo na kapal ay umaabot ng halos 2km (1.2 milya). Dahil dito, walang taong naninirahan sa Antarctica naliban sa mga siyentistang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol dito. Gayunpaman, sagana sa mga isda at mammal ang karagatang nakapalibot dito.
  • Asya - pinakamalaking kontinente sa daigdig. Sinasabing ang sukat nito ay mas malaki pa sa pinagsamang lupain ng North at South America, at ang kabuuang sukat nito ay tinatayang sangkatlong (1/3) bahagi ng kabuuang sukat ng lupain sa daigdig. Nasa Asya 'rin ang China na ang pinakamalaking populasyon sa daigdig at ang Mt. Everest na pinakamataas na bundok sa pagitan ng Sagamartha Zone sa Nepal at Tibet sa China.
  • Europe - sangkapat (1/4) lamang ng kalupaan ng Asya. Ito ang ikalawa sa pinakamaliit na kontinente ng daigdig sa lawak na halos 6.8% ang kabuuang lupa ng daigdig.
  • Australia - isang bansang kinilala 'ring kontinenteng pinakamaliit sa daigdig. Napalilibutan ito ng Indian at Pacific Ocean, at hinihiwalay ng Arafura Sea at Timor Sea. Dahil sa mahigit 50 milyong taong pagkakahiwalay ng bansang ito bilang isang kontinente, may mga bukod tanging species ng hayop at halaman na sa bansang ito lamang matatagpuan. Kabilang dito ang Kangaroo, wombat, koala, Tasmanian devil, platypus, etc.
  • North America - may hugis na malaking tatsulok subalit mistulang pinilasan sa dalawang mahabang kabundukan ang matatagpuan sa kontinenteng ito - Applachian Mountains sa Silangan at Rocky Mountains sa Kanluran.
  • South America - hugis tatsulok na unti-unting nagiging patulis mula sa bahaging equator hanggang sa Cape Horn sa katimugan. Ang Andes Mountains na may habang 7,240 km (4,500 milya) ay sumasakop sa kabuuang baybayin ito.
  • Pacific Ring of Fire - saklaw nito ang kanlurang hangganan ng South at North America patungong hilaga sa Aleutian Islands ng Alaska, pababa sa Silangang hangganan ng Asya hanggang New Zealand sa Timog Oceana.
  • Pinaka malalim na bahagi ng karagatan ay ang Mariana Trench. 35,840 talampakan.
  • Karamihan sa mababaw na bahagi ng karagatan ay ang Eurasian Basin. Sa 17,881 talampakan.
  • Ang pangalawang pinakamalalim na bahagi ng karagatan ay ang Puerto Rico Trench. May 28,376 talampakan.
  • Ang pinakamalaking Karagatan sa mundo ay ang Pacific Ocean.
  • Ang pinakamaliit na Karagatan ay ang Arctic Ocean.
  • Bahagi ng mga Karagatan
    • Mariana Trench
    • Puerto Rico Trench
    • Java Trench
    • South Sandwich Trench
    • Eurasian Basin
  • Bahagi ng Globo
    • Arctic Circle - Polar Mataas
    • Temperate Gitna
    • Tropic of Cancer - Tropical Mababa
    • Equator
    • Tropic of Capricorn - Tropical Mababa
    • Temperate Gitna
    • Antarctic Circle - Polar Mababa