Ayon sa teorya ni Padre Pedro Chirino, ang mga sinaunang Pilipino ay sumusulat nang pabertikal mula taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa pakanan. Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang balaraw o ano mang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta.