05: Sosyolek at Gamit ng Wika

Cards (42)

  • Ayon kay Alonzo (2002), Ang varayti ng wika ay isang maliit na grupo ng formal o makabuluhan katangian na naiuugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal.
  • Ayon kay Bloomfield (1918), Dala ito ng nagkakaibang pangkat ng tao na may iba't ibang lugar na tinitirahan, interes, gawain, pinag-aralan at iba pa.
  • Sosyolek ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal.
  • ang sosyolek ay nakabatay sa pangkat panlipunan (kasarian, paniniwala, edad, atbp)
  • Ayon kay Yule (2010), nakatuon ang sosyolek sa pag-aaral ng wika ng mga mamamayan sa isang bansa o lungsod, di-tulad ng dayalekto na nakatuon sa wikang gamit ng mga taga-lalawiga
  • Nakatuon ang sosyolek sa pag-aaral ng wika ng mga mamamayan sa isang bansa o lungsod.
  • Ang dayalekto ay nakatuon sa wikang gamit ng mga taga-lalawigan.
  • Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang nagsasaad sa paggamit ng wika ng mga tao na nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga grupo na kanilang kinabibilangan.
  • Sosyolek
    1. Bekimon o gay lingo
    2. Conospeak o conyotic
    3. Jejemon o jejespeak
    4. Cyber lingo
    5. Millennial lingo
  • Bekimon o Gay Lingo
    Ito ay isang halimbawa ng grupong nais mapanatili ang kanilang pagkakalinlan kaya naman binabago nila ang tunog 0 kahulugan ng salita.
  • Conospeak o conyotic
    Sa sosyolek na ito ay pinaghahalo ang Tagalog at Ingles. Isang baryant ng Taglish
  • Conospeak o conyotic


    Gumagamit ng Code switching
  • Conospeak o Conyotic
    Gumagamit ng mga ingklitik na "pa, na, lang"
  • Jejemon o Jejespeak
    Ito ay nakabatay rin sa wikang Tagalog at Ingles subalit naisusulat ito na may kasama o pinaghalo-halong numero, mga simbolo, at may magkasamang malalaki at maliliit na letra.
  • Batay sa tekstong isinulat ni vivencio M. Talegon, Jr.,
    Ayon kay Baria (2003), liban sa hangarin ng wika at pagsasaling-wika na makipagkomuniksasyon, iisa lang ang hantungan ng lahat ng daloy ng wika-komunikasyon.
  • Ayon sa KWF Resolusyon 96-1:
    "Ang Filipino ay ang katutubong wikang ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng paghihiram sa mga wika ng Pilipinas at di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang barayti ng wika para sa iba't ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba't ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag... "
  • "Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan."

    Mangahis et al (2005):
  • Instrumental
    Tumutugon sa mga pangangailangan
  • Instrumental 


    hal. Pakikiusap, Pag-uutos, Pagbibigay Mungkahi, Liham-pangangalakal, Liham Aplikasyon, at Patalastas sa Isang Produkto
  • Instrumental 


    Nagagawa ng wika na magsilbing instrumento sa mga tao upang maisagawa ang anomang naisin.
  • Regulatoryo
    Nangyayari ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa kaniyang paligid
  • Regulatoryo
    Pagkontrol sa ugali o asal ng isang tao
  • Regulatoryo
    hal. Pagbibigay ng direksyon, Direksiyon sa pagluluto, Pagsunod sa panuto, Paggawa ng anomang bagay, at Paalala o babala
  • Interaksyunal
    Ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili ang relasyong sosyal ng tao sa kaniyang kapwa.
  • Interaksyunal
    Nakapagpatatag ng relasyong sosyal
  • Interaksyunal
    hal. Mga Pormularyong Panlipunan, Pakikipagkuwentuhan, Pakikipagbiruan, Liham pangkaibigan, Pakikipagpalitan ng kuro-kuro
  • Sosyolinggwistikong Teorya
    Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito.
  • Personal
    Pagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon
  • Impormatibo
    Pagbibigay ng impormasyon
  • Heuristiko
    Paghahanap o paghingi ng impormasyon, ginagamit upang matuto at magtamo ng tiyak na kaalaman
  • Imahinatibo
    Pagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan, gumagamit ng idyoma, tayutay, sagisag at simbolismo
  • Impormatibo
    hal. pagsagot sa sarbey, pag-uulat, pagtuturo at pagpapasa ng ulat o pamanahong papel
  • Heuristiko
    hal. pagtatanong, pagsasarbey, pakikipanayam, pananaliksik
  • Imahinatibo
    hal. mga akdang pampanitikan tulad ng tula,nobela at maikling katha
  • Personal
    hal. pagsulat ng liham sa patnugot at ng mga kolum o komentaryo, talaarawan, dyornal
  • Pagpapahayag ng damdamin (emotive) 

    saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.
  • Panghihikayat (conative)

    Ito ay ang gamit ng wika upang makahinok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
  • Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (phatic)

    ginagamit ang wika bilang panimula ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
  • Paggamit bilang sanggunian (referential)

    ginagamit ang wikang nagmula sa aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng kaalaman.
  • Pagbibigay ng kuro-kuro (metalinguwal)

    ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo o batas.