KONSEPTONG PANGWIIKA

Cards (20)

  • Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa kapwa ay isang katangiang unique o natatangi lamang sa tao. Ang pagkamalikahain ng wika ay makikita sa kakayahan ng tao lamang at walang sa ibang nilalang tulad ng mga hayop
    -Naom Chomsky
  • Ang Unang Wika o mas kilala sa tawag na katutubong wika, inang wika, arteryal na wika, mother tongue, at kinakatawan din ng L1
  • Ang unang wika ay ang wika nanatutunan natin mula ng tayo ay ipinanganak. Batayan para sa pagkakakilanlang sosyolingguwista ang unang wikang isang tao.
  • ang unang wikang madalas nating ginagamit sa pakikipagtalastasan sa loob ng bahay
  • Ayon sa dalubwika, ang ikalawang wika ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao matapos niyang maunawaan ng lubos at magamit ang kaniyang sariling wika o kaniyang unang wika
  • DAHILAN NG PAGKATUTO
    • Magmula sa media
    Tagapag-alaga,
    kalaro,
    mga kaklase,
    o guro.
    Magulang
  • MONOLINGGUWALISMO ▪ Ito ang tawag sa pagpapatupad ng isang wika sa isang bansa
  • BILINGGUWALISMO
    ▪ Ang bilingguwalismo bilang paggamit o pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika. LEONARD BLOOMFIELD
  • Ang bilingguwal ay isang taong may sapat na kakayahan isa sa apat na makrong kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita, pagbasa at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kanyang unang wika. JOHN MACNAMARA
  • ▪Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay tinatawag na bilingguwalismo at ang taong gumagamit nito ay bilingguwal. URIEL WEINREICH
  • “Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang Filipino. Hangga’t hindi binabago ang batas, ang Ingles at Filipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas” Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng Saligang Batas ng 1973
  • • Ginamit na basehan ng wikang pambansa ang Artikulo 15 Seksyon 2 at 3 ng Saligang Batas 1973 para ipatupad ang patakarang bilinggual instruction.
    • Pinagtibay naman ito ng Board of National Education (BNE)
    • Ang patakarang bilinggual instruction ay alinsunod sa Executive Order No. 202 nabubuong Presidential Commission to Survey Philippine Education
  • ▪ Nilagdaanng Surian ng Wikang Pambansa ang isang
    makasaysayang patakaran tungkol sa bilingual education
    sa bisa ng resolusyon bilang 73-7 na nagsasaad na:
    ▪ “Ang Ingles at Filipino ay magiging midyum ng pagtuturo
    at ituturo bilang asignatura sa kurikulum mula Grade 1
    hanggang antasu nibersidad sa lahat ng paaralan, publiko
    o pribadoman”
  • Ang Multilingguwalismo ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao o indibidwal na makaunawa at makapagsalita ng ng iba’t ibang wika.
  • Ang pagiging multilingguwalismo ay nakakamit natin sa iba't ibang paraan:
    -maaring ito ay matutunan natin sa pormal na pag-aaral ng iba’t ibang wika,
    -maaari namang matuto tayo ng ibat ibang wika dahil sa mga lugar na ating pinupuntahan,
    -maaari din namang turo lang ng ating mga kaibigan na marunong mag salita ng ibat-ibang wika.
  • MONOLINGGUWALISMO ▪ Isinasagawa sa mga bansang England, Paransya, South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asignatura.
  • Ayon kay Richards at Schmidt (2002), ang monolingguwal ay isang indibiduwal na may iisang wika lamang ang nagagamit
  • Ang pagpapakahulugang ito ni Bloomfield na maaaring maikategorya sa tawag na “Perpektong bilingguwal” ay kinontrang pagpapakahulugan ni Macnamar(1967).
    • Ang paggamit ng dalawang wika nang magkasalitan ay tinatawag na bilingguwalismo at ang taong gumagamit nito ay bilingguwal.
  • HALIMBAWANG UNANG WIKA
    • Filipino sa Pilipinas
    • Ingles sa America