Mga Uri o Estilo ng Pagbasa

Cards (10)

  • Masaklaw na Pagbasa (Skimming)

    pinakamadali at pinakamabilis na paraan ng pagbabasa
  • Masusing Pagbasa (scanning)

    may tiyak na impormasyon na nais hanapin ang mambabasa
  • Pagalugad na Pagbasa (Exploratory Reading)

    ibig ng mambabasa na malaman kung ano ang kabuuan ng isang babasahin. Artikulo sa magasin o maikling kwento
  • Mapanuring Pagbasa (Analytical Reading)

    Sinusuring mabuti ng mambabasa ang kaugnayan ng mga salita at talata upang mahanap ang kabuluhan ng ipinahihiwatig na mensahe
  • Kritikal na Pagbasa
    Masusing sinisiyasat ng mambabasa ang mga ideya at saloobin ng teksto
  • Malawak na pagbasa (extensive reading)

    Nagbabasa ng iba't ibang akda ang mambabasa bilang libangan at pampalipas oras
  • Malalim na Pagbasa (Intensive Reading)

    Kailangan ng masinsinan at malalim na pagbasa kapag nag- aaral o nagsasaliksik bilang paghahanda sa pag-uulat o pagbuo ng pamanahong papel upang makakalap ng sapat at makabuluhang impormasyon
  • Maunlad na pagbasa (developmental reading)

    Sumasailalim ang mambabasa sa iba't ibang antas ng pagbabasa upang kaniyang mahubog at mahasa ang mahahalagang kasanayan sa pagbasa
  • Tahimik na Pagbasa (Silent Reading)

    Ginagamit ng mambabasa ang kaniyang mga mata sa pagbabasa
  • Malakas na Pagbasa (oral reading)

    Binibigkas ang teksto o kuwentong binabasa sa paraang masining at may damdamin.