Ang mga mambabasa ay direktang isinasama ng manunulat sa isang tekstong naratibo at nagiging saksi sa mga pangyayaring kanyang sinasalaysay. Maraming iba't ibang uri ng naratibo tulad ng maikling kuwento, nobela, kuwentong-bayan, mitolohiya, alamat, tulang pa alaysay tulad ng epiko, dula, mga kuwento ng kababalaghan, anekdota, parabula, science fiction, at iba pa. lba't ibang uri subalit may iisang pagkakapareho; ang bawat isa'y nagkukuwento.