AP - Kabihasnan

Cards (55)

  • Ang kabihasnan ay tumutukoy sa isang pamayanan o paraan ng pamumuhay ng tao na kinakitaan ng mataas na antas ng kalinangang kultural at maunlad na lipunang may organisadong pamahalaan, ekonomiya, sining, at sistema ng pagsulat.
  • Mga Kabihasnan sa Daigdig:
    Mesopotamia - Kanlurang Asya
    Indus - Timog Asya
    Tsino - Tsina-Silangang Asya
    Ehipto - Africa
    Mesoamerica
  • Kabihasnang Mesopotamia
    • Mesopotamia ay nagmula sa mga salitang Greek na meso o "pagitan❞ at potamos o "ilog"
    • Nangangahulugang lupain “sa pagitan ng dalawang ilog".
    • Itinuturing na kauna-unahan kabihasnan sa buong daigdig
  • Sinakop at pinanahanan ito ng iba't ibang sinaunang pangkat kabilang ang;
    • Sumerian
    • Akkadian
    • Babylonian
    • Assyrian
    • Chaldean
    • Elamite
  • Tigris at Euphrates - ang pinagusbungan ng kauna-unahang mga lungsod sa daigdig.
  • Mesopotamia - matatagpuan sa rehiyon ng Fertile Crescent
  • Fertile Crescent- ay isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterranean Sea.
  • Ang regular na pag-apaw ng Tigris at Euphrates ay nagdudulot ng baha na nag-iiwan ng banlik (silt). Dahil dito, nagiging mataba ang lupain ng rehiyon na mabuti sa pagtatanim
  • 5500 B.C.E. - daan-daang maliliit na pamayanang sakahan ang matatagpuan sa kapatagan
    ng hilagang Mesopotamia na pinag-ugnay-ugnay ng malalayo at mahahabang rutang pangkalakalan.
  • Uruk - itinuturing na isa sa mga kauna-unahang lungsod sa daigdig.
  • Timog Asya - ay isang malawak na tangway na hugis tatsulok. Sa kasalukuyang panahon binubuo ito ng mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Afghanistan, Bhutan, Sri Lanka, Nepal, at Maldives.
  • • Madalas tawagin ang Timog Asya ng mga heograpo bilang sub-kontinente.
  • Khyber Pass- Daan ng mga tao na pumapasok sa Timog Asya dala ang kanilang sariling wika at tradisyon, higit na pinagyaman nila ang kulturang Indian.
  • Khyber Pass - Nagsisilbing lagusan ng mga mandarayuhan mula sa Kanluran at Gitnang Asya
  • Harappa at Mohenjo-Daro Ang mga lungsod sa lambak ng Indus ang pinakabagong tuklas na mga sinaunang sentrong kabihasnan sa kasalukuyang panahon.
  • 1920 - natagpuan ang mga labi ng dalawang lungsod ng mga arkeologo ang lipunang nabuo rito, ay kasabay halos ng pag-usbong ng Sumer noong 3000 B.C.E.
  • Ang lupain sa Indus ay mas malawak kung ihahambing sa sinaunang Egypt at Mesopotamia. Sakop nito ang malaking bahagi ng hilagang-kanluran ng dating India at ang lupain kung saan matatagpuan ang Pakistan sa kasalukuyan.
    • Indus River- umusbong ang kabihasnan ng India. Nagmumula sa natutunaw na yelo mula sa tuktok ng kabundukang Himalaya ang tubig na dumadaloy sa Indus River. Ang Indus River ay may habang 2900 km. (1800 milya) na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan. Katulad sa Mesopotamia, ang pagkakaroon ng matabang lupa ay naging mahalaga sa pagsisimula ng mga lipunan at estado sa sinaunang India.
  • • Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre bawat taon, ang pag-apaw ng ilog ay nagdudulot ng pataba sa lupa at nagbibigay-daan upang malinang ang lupain.
  • 3000 B.C.E - Daan-daang pamayanan ang matatagpuan sa lambak ng Indus ang karamihan sa mga ito ay maliliit na pamayanang may tanggulan at may maayos na mga kalsada. Nagkaroon din ng mga kanal pang-irigasyon at mga estrukturang pumipigil sa mga pagbaha.
  • India- ay isa lamang sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang hilagang bahagi nito ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.
  • Kabihasnang Tsino- ay itinuturing na pinakamatandang kabihasnang nananatili sa buong daigdig hanggang sa kasalukuyan
  • • Ang pagkakaroon ng mga ideolohiyang suportado ng estado, partikular ang Confucianism at Taoism, ay lalo pang nagpatatag sa kabihasnang Tsino.
  • Ang China ang halinhinang nakaranas ng pagkakaisa at pagkakawatak-watak. Ang mga pangyayaring ito ang humubog sa kultura at mamamayan ng bansa hanggang sa makabagong panahon.
  • Yellow River o Huang Ho- umusbong ang kabihasnan sa China. Ang ilog na ito ay nagmumula sa kabundukan ng kanlurang China at may habang halos 3,000 milya.
  • Huang Ho - Ito ay dumadaloy patungo sa Yellow Sea. Ang dinaraanan ng ilog na ito ay nagpabago-bago nang makailang ulit sa mahabang panahon at humantong sa pagbubuo ng isang malawak na kapatagan, ang North China Plain. • Ang pag-apaw ng Huang Ho ay nagdudulot ng pataba sa lupa.
  • Ano ang kauna-unahang dinastiya sa China?
    Xia o Hsia
  • Sino ang unang pinuno ng dinastiya ng Xia?
    Yu
  • Ano ang ginawa ni Yu upang makontrol ang pagbahang dulot ng Huang Ho?

    Pinaniniwalaang nakagawa siya ng paraan upang makontrol ito
  • Ano ang naging epekto ng pagkontrol ni Yu sa pagbahang dulot ng Huang Ho sa mga magsasaka?
    Nagbigay-daan ito upang makapamuhay ang mga magsasaka sa lambak
  • Ano ang tawag ng mga Tsino sa kanilang lupain?
    Zhongguo
  • Ano ang ibig sabihin ng Zhongguo?
    Nangangahulugang Middle Kingdom
  • Ano ang paniniwala ng mga Tsino tungkol sa kanilang sibilisasyon kumpara sa ibang tribo?

    Naniniwala silang sila lamang ang mga sibilisadong tao sa gitna ng mga tribo ng mga barbaro
  • Nile River sa Egypt - na nasa hilagang silangang bahagi ng Africa umusbong ang Sinaunang Kabihasnan sa Africa.
  • 3100. B. C. E. - Nabuklod bilang isang estado at nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong milenyo.
  • Mayroon ng lipunan sa Egypt bago pa umusbong ang kabihasnan sa Lambak ng Nile.
  • Ika-20 siglo - natuklasan ng mga arkeologo ang isang tirahan ng mga sinaunang tao sa timog-kanlurang bahagi Egypt malapit sa hangganan nito sa sudan. Tinatayang ang paninirahang ito ay nandoon na bago pa man ang pagsapit ng 8000 B. C. E. Sinasabing maaring ang mga kaanak o inapo ng mga taong ito ang nagpasimula sa kabihasnan Egyptian sa Lambak ng Nile.
  • Lower Egypt - ay nasa bahaging hilaga ng lupain o kung saan ang nile ay dumadaloy patungong mediterranean sea.
  • Upper Egypt - nasa bahaging katimugan mula sa libyan desert hanggang sa abu simbel.
  • Nile River - may 4, 160 milya o 6,694 na kilometro ang haba ay dumadaloy mula katimugan patungong hilaga.