KONKOMFIL - Taon at Batas ukol sa Wika

Cards (28)

  • Konsepto ng Wika Ayon kay Gleason Henry
    Ayon kay Gleason Henry, ang wika ay isang masistemang balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitaryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura.
  • Ama ng Wikang Pambansa
    Pangulong Manuel Luis M. Quezon
  • 1935 Konstitusyon
    Pebrero 8, 1935 - Artikulo 14 Seksiyon 3: Ipinag-utos ng Kongreso na gumawa ng hakbang para sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa batay sa umiiral na katutubong wika.
  • Pagkatatag ng Surian ng Wikang Pambansa (1936)
    Nobyembre 7, 1936 -
    • Itinatag ni Pangulong Manuel Quezon ang Surian ng Wikang Pambansa upang magsagawa ng pag-aaral at pagpili ng wikang pambansa.
    • Tagalog ang napili bilang batayan ng wikang pambansa.
  • Kautusang Tagapagpaganap Blg. 203 (1940)
    • Pangulong Quezon pinahintulutan ang Talatinigang Tagalog-Ingles at Balarila sa Wikang Pambansa.
    • Pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng paaralan sa buong bansa.
  • Linggo ng Wikang Pambansa
    • Proklamasyon Blg. 12 (1954): Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay ang Linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4.
    • Proklamasyon Blg. 186 (1955): Inilipat ang pagdiriwang mula Agosto 13-19 taun-taon.
  • Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (1967)
    Nilagdaan ni Pangulong Marcos, ang lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
  • Artikulo 15 Seksiyon 2 at 3 ng 1973 Konstitusyon
    Ingles at Pilipino ang mananatiling mga wikang opisyal ng Pilipinas hanggang hindi binabago ng batas.
  • 1936
    Si Jaime de Veyra ang naging tagapangulo ng komite na nagsagawa ng pag-aaral, at napili nito ang Tagalog bilang batayan ng “Wikang Pambansa."
  • Bilinggwalismo (1974)

    Edukasyong bilinggwal ipinatupad sa lahat ng kolehiyo at pamantasan sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25.
  • 1987 Konstitusyon
    • Artikulo 14 Seksiyon 6: Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
    • Artikulo 14 Seksiyon 7: Ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at Ingles.
  • Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 (1988)
    Nilagdaan ni Pangulong Corazon Aquino, nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika at pagsusulong ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo.
  • Mahahalagang Batas at Kautusan
    • Batas Komonwelt Bilang 184 (1936): Lumilikha ng Surian ng Wikang Pambansa.
    • Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 (1937): Itinatakda ang Tagalog bilang batayan ng Wikang Pambansa.
    • Batas Komonwelt Blg. 570 (1940): Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng Pilipinas simula Hulyo 4, 1946.
    • Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (1974): Edukasyong bilinggwal ipinatupad sa lahat ng kolehiyo at pamantasan.
  • Linggo ng Wika
    Ang araw ni Balagtas (Abril 12) ay kabilang sa itinakdng Linggo ng Wika.
  • 1967-1968
    Naglagda ang Pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap Blg.96, na nagtatadhanang ang lahat ng gusali edipisyo at tanggapin ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
    Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg..172 na nagbibigay diin na ang mga letterhead ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay ng pamahalaan ay nararapat nasusulat sa Pilipino, kalakip ang kaukulang teksto sa Ingles.
  • 1974
    Kalihim Tagapagpaganap Roberto V. Reyes: Nagbigay pahintulot sa Surian ng Wikang Pambansa para sa lingkurang pagsasanay, seminar, gawaing kapulungan, at iba pang kauring gawain ng mga tauhan ng pamahalaan.
    1987 Konstitusyon
    • Rebolusyonaryong Gobyerno sa ilalim ni Pangulong Corazon C. Aquino: Muling binago ang Konstitusyon.
    • Artikulo 14 Seksiyon 6: Wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Ito ay dapat payabungin at pagyamanin batay sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.
  • 1991, Agosto
    • KWP (Komisyon sa Wikang Pilipino): Idiniklara bilang pamalit sa SWP (Surian ng Wikang Pilipino).
    • KWP: Mga tao na patuloy na nagsasaliksik at nag-aaral sa wika.
  • Nobyembre 7, 1936
    • Batas Komonwelt Bilang 184: Inaprobahan ng Kongreso, lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa.
    • Surian ng Wikang Pambansa: Inatasang pag-aralan ang mga katutubong wika at pumili ng magiging batayan ng wikang pambansa.
  • Disyembre 30, 1937
    Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134: Nilagdaan ni Pangulong Quezon, ibinase ang Wikang Pambansa sa Tagalog.
  • Abril 1, 1940
    • Kautusang Tagapagpaganap: Nag-atas ng paglilimbag ng balarila at diksyunaryo sa Wikang Pambansa.
    • Hunyo 19, 1940: Sinimulan ang pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan sa buong bansa.
  • Hunyo 7, 1940
    Batas-Komonwelt Blg. 570: Nag-atas na simula sa Hulyo 4, 1946, ang Wikang Pambansa ay magiging isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
  • Marso 26, 1954
    • Pangulong Ramon Magsaysay: Nagpalabas ng kautusan para sa taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa.
    • Agosto 13-19: Inilipat ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa petsang ito.
  • Agosto 12, 1959
    • Kautusang Blg. 7: Nilagdaan ni Kalihim Jose Romero ng Kagawaran ng Edukasyon, tinawag ang Wikang Pambansa na Pilipino.
  • Oktubre 24, 1967
    Pangulong Marcos: Nilagdaan ang kautusang nag-aatas na lahat ng gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino.
  • Marso, 1968
    Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas: Ipinalabas ang kautusan na lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran at tanggapan ay maisulat sa Pilipino.
  • Agosto 7, 1973
    Pambansang Lupon ng Edukasyon: Nilikha ang resolusyong nagsasaad na gagamitin ang bilinggwalismo bilang midyum ng pagtuturo mula elementarya hanggang tersyarya.
  • Hunyo 19, 1974
    Kautusang Pangkagawaran Blg. 25: Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa kolehiyo at pamantasan.
  • Pagkatapos ng Rebolusyon ng EDSA
    Komisyong Konstitusyonal: Pinamunuan ni Cecilia Muñoz Palma, pinagtibay ang Konstitusyon na may pitak tungkol sa wika.