Fil 9 1st quar sum test rev

Cards (21)

  • Ano ang tawag sa pangunahing tauhan sa kwento na nagsosolusyun sa suliranin?
    Protagonista
  • Ano ang tawag sa tauhang humaharang sa protagonista?
    Antagonista
  • Ano ang mga pangunahing katangian ng maikling kwento?
    • Sangay ng salaysay na may iisang kakintalan
    • May isang madulang bahagi ng buhay na tinatalakay
    • May isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin
    • May isang mahalagang tagpo
  • Sino ang tinaguriang "Ama ng Maikling Kwento"?
    1. Edgar Allan Poe
  • Bakit tinaguriang "Ama ng Maikling Kwento" si G. Edgar Allan Poe?
    Dahil siya ang kauna-unahang manunulat na nagpakilala ng maikling kwento bilang isang sining
  • Sino si Ginoong O'Henry sa larangan ng maikling kwento?
    Siya ay isang mahusay na manunulat ng maikling kwento
  • Ano ang natatanging kontribusyon ni Ginoong O'Henry sa maikling kwento?
    Siya ang unang sumulat ng isang pagwawakas ng kwento na diakalain
  • Ano ang tawag kay Deogracias A. Rosario sa larangan ng maikling kwento?
    Ama ng Makabagong Maikling Kuwentong Tagalog
  • Ano ang mga katangian ni Deogracias A. Rosario bilang manunulat?
    Siya ay isang mangangatha, mamamahayag, at makata
  • Ano ang mga uri ng tunggalian sa kwento?
    • Tao laban sa sarili
    • Tao laban sa tao
    • Tao laban sa kalikasan
    • Tao laban sa lipunan
    • Tao laban sa sobrenatural
  • Ano ang ibig sabihin ng "paningin" sa isang kwento?
    Tumutukoy ito sa pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang katha
  • Ano ang karaniwang paraan ng pagsasalaysay ng kwento?
    Paningin sa unang panauhan at paningin sa pangatlong panauhan
  • Ano ang paksang-diwa o tema ng isang kwento?
    Ito ang kaisipang iniikutan ng katha
  • Paano matutukoy ang tema ng kwento?
    Dapat nating itanong kung ano ang sentral na ideya ng kwento
  • Ano ang mga teknik sa paglalahad ng banghay ng may-akda?
    • Pagbabalik-tanaw
    • Pagpapahiwatig sa hinaharap
    • Pagsasalaysay ng mga ideya at kamalayan ng tauhan
    • In media res
  • Ano ang simbolismo sa kwento? Magbigay ng mga halimbawa.
    • Tanikalang bakal - kawalan ng kalayaan
    • Putol na tinapay - paghihirap
    • Maruming kamay - kasalanan
    • Sugat ng puso - pighati, dalamhati
  • Ano ang kahulugan ng nobela?
    Isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas
  • Ano ang mga katangian ng nobela?
    • Umiikot ayon sa karanasan ng tao
    • Maraming ligaw na tagpo at kaganapan na nahahati sa kabanata
    • May mahabang kawing ng panahon at maraming tauhan
    • Hindi mababasa sa isang upuan lamang
  • Ano ang pagkakaiba ng tauhang lapad at tauhang bilog?
    Ang tauhang lapad ay parehas ang ugali hanggang dulo, habang ang tauhang bilog ay may character development
  • Ano ang iba't ibang uri ng tunggalian sa kwento?
    1. Pisikal (tao laban sa kalikasan)
    2. Panlipunan (tao laban sa kapwa tao)
    3. Panloob o sikolohikal (tao laban sa sarili)
  • Ano ang iba't ibang uri ng nobela ayon sa tema?
    1. Romansa o Pag-ibig
    2. Nobelang Historikal
    3. Nobela ng Tauhan
    4. Nobela ng Pagbabago
    5. Nobelang Politikal
    6. Nobelang Moral
    7. Nobelang Pang-ekonomiya at Isyu sa Paggawa