Ano ang mga pangunahing bahagi ng National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP)?
Ang NDRRMP ay may apat na bahagi: (1) Disaster Prevention and Mitigation, (2) Disaster Preparedness, (3) Disaster Response, at (4) Disaster Rehabilitation at Recovery.
Ang Republic Act 10121 ay nagbibigay ng ligal na batayan para sa mga patakaran, plano, at programa upang mabawasan ang panganib na dulot ng mga kalamidad.
Ano ang pagkakaiba ng disaster preparedness at disaster response?
Ang disaster preparedness ay ang kakayahan ng mga tao na tumugon sa mga panganib, habang ang disaster response ay ang pagbibigay ng agarang serbisyo at tulong pagkatapos ng sakuna.
Ano ang layunin ng disaster rehabilitation and recovery?
Ang layunin ng disaster rehabilitation and recovery ay ang pagpapabuti ng mga pasilidad at kondisyon ng pamumuhay ng mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad.
Ano ang layunin ng Department of Interior and Local Government sa Disaster Preparedness?
Ang layunin ng Department of Interior and Local Government ay makapagtaguyod at mapalakas ang kapasidad ng komunidad na makapag-antaba sa mga panganib.
Ano ang layunin ng National Economic and Development Authority sa disaster rehabilitation and recovery?
Ang layunin ng National Economic and Development Authority ay maibalik at mapabuti ang mga pasilidad, kabuhayan, at kondisyon ng pamumuhay ng mga naapektuhang komunidad.