Panlabas na Pandama - ito ay ang paningin, pandinig, pang-amoy, at panlasa; ito ay nagiging dahilan upang ang tao ay magkaroon ng direktang ugnayan sa reyalidad.
Panloob na Pandama - ito ay ang kamalayan, memorya, imahinasyon, at instinct.
Kamalayan - pagkakaroon ng malay sa pandama, nakapagbubuod, at nakapag-uunawa.
Memorya - kakayahang kilalanin at alalahanin ang nakalipas na pangyayari o karanasan.
Imahinasyon - kakayahang lumikha ng larawan sa isip at palawakin ito.
Instinct - kakayahang maramdaman ang isang karanasan at tumugon nang hindi dumadaan sa katwiran.
Isip ay ang kakayahan ng isang tao na umunawa, umalam, tumuklas magbigay kahulugan sa mga kaalaman.
Kilos-Loob ay ang kakayahan ng isang tao na pumili, mag pasya at isakatuparan ang pinili.