Wika at katangian ng wika

Cards (13)

  • Ang wika ay may tradisyunal at popular na pagpapakahulugang sistema ng arbitraryong vocal-symbol o mga sinasalitang tunog na ginagamit ng mga miyembro ng isang pamayanan sa kanilang pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan sa isa’t isa
  • Henry Allan Gleason Jr. - "Ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura."
  • Dr. Pamela Constantino - "Ang wika ay maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng nararamdaman, isang instrumento rin sa pagtatago at pagsisiwalat ng katotohanan."
  • Edward Howard Sturtevant - "Ito ay isang sistema ng mga arbitraryong simbolo ng mga tunog para sa komunikasyon ng mga tao.."
  • Masistemang istruktura ng Wika - Ang wika ay may "pattern" at istruktura. Kapag pinagsama-sama ang mga tunog ay makakabuo ng mga salita.
  • Ang wika ay sinasalitang tunog - Ang wika ay pangunahing binubuo ngmga tunog na nag mumula sa mga sangkap ng pananalita
  • Ang wika ay nakabatay sa kultura - Ang wika ay kakambal ng kultura. Ang dalawang bagay na ito ay hindi mapaghihiwalay. Sinasalamin ng wika ang kultura o ang paraan ng pamumuhay ng isang grupo ng tao.
  • Ang wika ay nagbabago, lumalawak at lumalaki sa araw-araw at nadaragdagan ng salita sa bawat panahon.
    Dinamiko o bukas sa pagbabago
  • Arbitraryo ang wika sa pagkat ang bawat wika ay pinipili at isinasaayos sa paraang napagkasunduan ng mga tao na nabibilang sapangkat o grupong gumagamit nito.
    Arbitraryong Simbolo
  • Natutulungan ng wika na maibahagi ng isang tao ang kanyang mga kaalaman, nararamdaman, mga pananaw, at mensahe sa ibang tao.
    Komunikasyon
  • Dayalekto
    • Ang pagkakaiba-iba sa isang wika dulot ng sosyal heograpikong kadahilanan 
    • Barasyon sa loob ng isang wika (mayroong pagkakaiba ang wikang sinasalita ng dalawang tao na naninirahan sa magkaibang lugar)
    • May sariling mga katangian sa pagbigkas, bokabularyo, at gramatika
  • Bernakular
    • Wika na natural na ginagamit ng isang partikular na grupo ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
    • Ito ay ang wika na natutunan natin mula sa ating mga magulang at sa ating komunidad.
    • nauugnay sa isang partikular na rehiyon o lugar.
  • Lingua Franca
    • Ito ang wikang ginagamit ng dalawang tao na may magkaibang unang wika o nagmula sa magkaibang komunidad.